It’s been 7 years..
“Genie, break tayo?” lumingon naman ako sa tumawag sakin habang nagtatype pa ako.
“Mamaya na siguro ako. Tatapusin ko pa ito.” Ngumiti naman ng nakakaloko si Ciara.
“If
I know, hinihintay mo lang yung bestfriend mo!” napatawa kaming parehas
tapos umalis na rin siya kasabay nung mga co-worker namin.
Maya-maya din nagtext na si Lindon, kaya ni-shut down ko na rin yung laptop at umalis na ako.
Sobrang
bilis ng panahon. Hindi ko akalain na magiging maayos din pala ang
lahat. Na magiging okay kami sa isa’t isa. Ako, si JK, Lindon, Harris,
at.. si Pricilla. Six years ago, pagkatapos grumaduate pumasok si JK sa
seminaryo . At ngayon pari na talaga siya. Hindi ko nga akalain na
makakamove-on talaga ako.
Naalala ko pa nung iyak na iyak ako at hindi ko talaga matanggap ang mga nangyayari. Ngayon natatawa na lang ako. Alaalang naging istorya na lang.
Naalala ko tuloy yung nabasa ko sa isang website na talagang nagpatama sakin, ‘Maybe
a happy ending doesn't include a guy. Maybe it's you, on your own,
picking up the pieces and starting over, freeing yourself up for
something better in the future. Maybe the happy ending is just moving
on. Or maybe the happy ending is this, knowing after all the unreturned
phone calls, broken hearts, through the blunders and misread signals,
through all the pain and embarrassment, you never gave up hope!
Naging
mahirap sakin ang mga nangyari noon. Ilang beses akong umiyak tuwing
gabi. Dahil bukod kay JK, naging mahirap din ang sitwasyon sa pagitan
naming tatlo nila Lindon at Harris. Lalong lumaki ang galit ng papa ni
Lindon sa kanya nung paulit ulit sinaway ni Lindon ang papa niya dahil
nga dun sa blind date. Kahit na nagconfess na siya sakin ng feelings
niya hindi niya ako ginawang dahilan para patunayan sa kanyang papa na
nagsasabi siya ng totoo. Niligawan ako ni Lindon pero hindi naging kami.
Hindi rin naman ako nagkameron ng boyfriend sa loob ng pitong taon.
Si
Harris kinasal na, a year ago. Gaya ko sobra rin siyang nahirapang
magmove-on, ganon siguro talaga kahirap lumimot dahil paulit-ulit din
kaming pinaglalapit ni Harris sa isa’t isa. Pero masaya ako na hindi ako
nag-end up sa kanya at nakahanap siya ng taong mamahalin niya. Masaya
siya ngayon at masaya ako para sa kanya.
Si Pricilla.. sinabi niya sakin ang lahat. ‘..Gusto
ko na si JK bago ko malaman na gusto mo rin siya. Bestfriend kita at
ayokong masira ang pagkakaibigan natin. Pero habang tumatagal at
nakikita ko kung paano tumingin si JK sayo, alam ko na na ikaw ang
panalo. Pero sating dalwa.. wala naman pala talagang panalo. Dahil gusto
niyang magpari..’
Gaya ko rin.. sobrang nasasaktan si Pricilla. Siguro mas nahirapan siyang magmove on kaysa sakin. Kaya mas pinili niyang lumayo.
Napangiti naman ako nung nakita ko na si Lindon. Agad akong kumaway, ganon din siya.
“You’re late.” Tiningnan ko yung oras ko.
“3 minutes lang e.”
“Tapusin ko lang itong iniinom ko tapos kain na rin tayo.” Umupo naman ako sa tabi niya.
“Gutom
ka na ba talaga kaya naisip mo na bumili na muna ng drinks.” Umiling
siya. Tapos tumingin siya sa likod ko. Lilingon din sana ako--
“Ibang klase talaga ang appeal mo no.” nabigla ako sa sinabi niya. Kaya tumawa na lang ako.
“Gusto mong uminom?” inabot niya sakin yung drinks niya. Inabot ko naman—
“Anong..?”
napansin ko yung singsing sa kamay niya. Nabigla lang ako na makita na
nagsosoot na siya ng singsing. Sabi kasi niya noon, ‘I’ll wear any accessories, but not a ring!’
“Ah couple ring.” Umiwas naman siya ng tingin.
Bigla akong naexcite, “So may girlfriend ka na!?” pero parang.. ang bigat sa pakiramdam.
Tumingin siya sakin, kaya agad akong ngumiti.
“Ibang
klase ka talaga! Wala ka pang ginagawa, napapalingon na yung ibang
lalaki sayo. Sa tingin mo ano na lang mararamdaman ko—“ bigla na lang
niyang ginulo ang buhok ko.
Tapos.. napayuko siya, “Wala akong girlfriend. Bestfriend meron..”
Thump.. Thump.. Thump..
Dahan
dahan siyang tumingin ulit sakin. Ang mga tingin na yun.. parang akong
matutunaw sa mga tingin niyang yun. Feeling ko namumula na yung mukha
ko.
“Pakakasalan mo ba ako?”
“Ahh—“ gusto
kong lumayo sa kanya sobrang lapit namin sa isa’t isa. Bukod pa dun..
nagpapanic ang puso ko. Kinakabahan talaga ako.
“Pero..
Wala naman akong singsing e.” napakagat ako sa labi sa hiya na nararamdaman ko.
“Anong wala? Nasa iyo kaya..” nagtaka naman ako sa sinabi niya.
Kinapa
kapa ko ang sarili ko, “Pero wala naman akong maalala na—“ hanggang sa
nahawakan ko ito sa may bulsa ko. At pagkuha ko dito, nakita kong
singsing nga talaga ito.
“Kailan?”
“Hindi mo
ba isosoot. Kaninang umaga ko pa ito soot, ngayon mo lang napansin.
Tss!” kinuha niya ang kamay ko at sinoot yung singsing.
“Tara!?” tumayo siya at inabot ang kamay ko. Nagholding hands kami.
We
can not change the past ,but we can start a new chapter of our life.
Today, I’ll make one. A new chapter of my life with him.. with a happy
ending.
It’s been 7 years, at ngayon nakikita ko
na ulit ang lalaking una kong minahal sa may altar. Naghihintay siya
sakin. Nandun din.. ang taong pakakasalan ko. Ang lalaking gusto kong
makasama panghabang buhay.
‘Gusto kitang makita sa harap ng altar na yan, at ako mismo ang magkakasal sayo at sa taong mamahalin mo panghabang buhay’
I’m now fulfilling those promises.
Hindi
ko talaga inaakala.. na haharap ako kay JK dito sa altar. Siyang una
kong minahal.. ng sobra. Ang taong dahilan noon ng palagi kong pag-iyak.
Ang taong akala ko, hindi ko kakayanin kung mawawala sa buhay ko.
Nakaharap ako ngayon kay JK.. katabi ang taong pakakasalan ko. Ang bestfriend ko. Ang taong minamahal at mamahalin ko.
“I love You,” kahit na kailan hindi ko ata nabitawan ang mga salitang yun kay JK. Kay Lindon lang..