“I still like you, Genie.” Napatigil ako sa pagmumuni muni.
Harris is confessing his feelings for me. Natatakot ako.
Anong gagawin ko?
“Gen..” naramdaman ko ang paglapit niya. “AHHHHH!!!”
napalingon naman ako nung bigla siyang sumigaw.
“Ikaw bata ka! Ano itong ginawa mo!? sabi ko pinturahan mo
yung pader at hindi babuyin! Halika at paparusahan kita!” pagharap ko kay Harris may bigla na lang
humigit sa kanyang tainga. Isang matanda. At hinila nito si Harris palayo sakin.
“Ge-Genie!!!” wala
akong nagawa at pinanood ko lang siya.
Hayy.. nakahinga din ako ng maluwag. Hindi ko kasi talaga
alam ang gagawin ko at kung paano ko ulit irereject si Harris. Sa totoo lang
ayoko naman kasing ireject siya. Pero ayoko ring paasahin siya. Pero mukhang
hanggang ngayon umaasa pa rin siya. Anong gagawin ko.. I can’t like him. I
mean, para sakin kaibigan lang talaga si Harris. Ayoko naman siyang saktan..
Dumiretso naman ako sa office na isa sa mga professor ko.
Gusto daw akong makausap katatapos lang kasi ng reporting namin.
“Hija, napakaganda nung ginawa mo. I’ll give you a grade na
nararapat sayo pero gusto kong gawin mo itong special project ko para sayo.”
Masaya ako na nagustuhan ng professor ko ang ginawa kong
autobiographical writing. Sa totoo lang
hindi ko naman talaga innexpect yun. Pero ginawa ko talaga ang best ko sa
pagsusulat lalo na at punishment yun sakin. I just love writing. Kaso hindi ko
naman napansin yung oras at halos mga 9 na pala ako nakauwi.
“Oh nandito na ka na palang bata ka.” Sinalubong ako ni Tita
sa may pintuan.
“Patay na po yung ilaw, akala ko tulog na kayong lahat.”
“Sila JK at Arnold tulog na. Lalo na yung si JK.” Tiningnan
niya ako ulo hangggang paa. “Ano ba talagang meron sayong bata ka at sobrang
espesyal mo hah.” Nagtaka ako sa pinagsasabi ni Tita.
“Hindi ko ho—“
“Sa bagay. Napakabait mo naman kasi at napakaamo. Hindi na
ako nagtataka. Kung siguro.. mas maaga ka lang nakilala ni JK. Siguro naging
girlfriend ka niya.” parang biglang sumabog yung mukha ko sa pamumula. Anong
pinagsasabi ni Tita. “HAHAHAHA.” Tumawa pa siya ng nakakaloko. Natakot tuloy
ako.
Hindi ako nakatulog nung gabing yun. masyado kong inisip ang
mga nangyayari. Sa pagitan namin ni JK. Ang confession ni Harris. At ang mga
salitang binitawan nila. masyado akong nag-isip ng malalim hindi ko tuloy
napansin yung oras.
Sa klase ganon pa rin. Pero naiba iba. Hindi na ako
masyadong ginagalaw ng mga kaklase ko. I mean, wala ng weird na nangyayari.
Maybe because of my looks. And maybe because of my grades.
“Uhm Claire—Jhen—“ hindi ko alam kung paano sila tatawagin.
Lumingon naman sila. Pero parang nakakatakot pa rin.
“Gusto ko lang ipaalala yung tungkol sa ipapaprint ninyo.
Gusto ko kasing isama yung first 5 pages. Babayaran ko na lang—“
“Okay.” Tapos bigla silang tumalikod.
Napabuntong hininga naman ako.
At nabigla ako nung makita si JK sa tabi ko.
“k-k-Kanina ka pa ba—“
“Napadaan lang ako. Sige!” tapos umalis din siya. Ang gulat
ko dun. Bakit ba bigla bigla na lang siyang sumusulpot?
Pero.. hindi ko nga pala siya nakita kagabi at kaninang
umaga.
Bumalik na ako sa klase pagkatapos. Hindi ko rin kasi nakita
si Harris sa cafeteria kaya ako lang mag-isa kumain sa may bench. Sa klase
naman namin, binigay na samin yung mga pinaprint namin. At halos lahat ng klase
tumulad sakin. I mean, pinaprint din nila yung first 5 pages sa libro.
Nakakailang. Pero pakiramdam ko nagiging okay na sila sakin.
From:”London
Walang klase sa
Friday. So wacha gonna do kubidoo-bidoo?
Natawa naman ako. pero nag-iisip pa rin kung anong itatype
ko sa laptop ko. At ngayong pinaalala ni London ang tungkol sa pagkakawala
namin ng klase sa Friday, naisip ko bigla na umuwi na muna kay mama.
To:”London
Siguro uuwi na lang
ako sa bahay.
From:”London
Sama!?
Uhh never mind na lang
pala.
Oonga pala ayaw niyang umuwi dahil sa papa niya. Hindi ko na
lang nireplayan si Lindon at tinuloy ko na lang yung tinatype ko. Habang
nagrereview na rin ako sa quiz sa sunod naming klase.
“Ibang klase talaga yung quiz kanina. I mean, loooong quiz!”
“I never thought I would get that score. Nag-aral pa man
din ako.“
Napansin kong pinag-uusapan pa rin nila yung tungkol sa
naging quiz namin. Tinuloy ko naman yung paglalakad ko. Naramdaman ko pa yung
mga tingin nila at mas humina pa yung pagbubulungan nila. Ang awkward talaga.
Umuwi ako sa bahay wala si JK. Pero nandun si Arnold kaya
kami lang na dalwa ang kumain ng sabay. Nabanggit niya sakin na pinuntahan daw
ni JK ang mom nito tungkol sa.. scholarship ko?
“Tita?” all this time, wala akong kaalam alam na ang mom
pala ni JK ang sponsor ng scholarship ko. I mean, mailap si JK sa mom niya.
“Oh Genevieve hija, may kailangan ka ba?” napayuko ako. Hindi
ko alam kung paano sisimulan ang usapang ito.
Siguro kung nalaman din ni mama ang tungkol dito, hindi niya
ako patutuluyin na mag-aral sa university. Kahit ako, hindi ako natutuwa na
malaman ito.
Tiningnan ako ni Tita, huminga naman ako ng malalim. “Sino
po ba.. ang sponsor ng scholarship ko?” bakit nga ba ngayon ko lang naitanong
ang tungkol dito? Masyado ba akong naging sakim at tungkol sa pag-aaral lang
ang inalala ko.
Agad na umiwas si tita at ibinalik ang atensyon sa ginagawa
niya, “Tita..”
“Ayy sabi sakin ni Kennley isikreto ko daw sayo! Sigurado daw
na mag-aalala ka. Ayy nakuu bakit mo ba biglang naisip yan diba nakapasok ka na
naman sa university yun ang mas mahalaga.” Nakokonsensya tuloy ako. Ano ba kasi
talagang iniisip ni JK..
Bakit ang bait bait niya sakin bigla..
“Hayy..” tumingin naman ulit ako kay Tita. “Hindi ko talaga
matatanggihan yang maamong mukhang yan. Hindi ko masisisi si Jk kung bakit niya
ginagawa ang mga ito sayo! Tss.. Kinausap niya ang mama niya. Kahit
napakaimposibe nung una. Ginawa pa rin niya.
Kahit ako tumulong, at pinatuloy kita dito sa bahay ko dahil sa
kahilingan ni JK. Alam mo kasi si JK—“ napatigil si Tita sa pagsasalita at
parang nag-isip kung dapat ba niyang ituloy ang sasabihin niya.
“Si JK.. mahal na mahal ka nun.. bilang kapatid.. Alam mo
naman yun siguro diba? Siguro.. masyadong late na. Pero gusto man lang niya
ipadama yun sayo. Mahigit 3 taon na rin kayong magkakilala at bilang
magkapatid—Ayy! Sige na. Sige na. Si JK na lang ang tanungin mo sa iba..” narinig
ko pang may binulong si Tiya. Pero hindi ako sigurado. ‘..pilyong batang yun. Pinagsisinungalin pa ako..’
May hindi talaga ako maintindihan sa mga nangyayari. At
gusto kong malaman kung ano ba talaga ang katotohanan..
‘Ibang klase talaga
yang bestfriend mo no. Balat kabayo. Sinasabi niya na magbestfriend kayo pero
kung traydurin ka wagas. Ibang klase!’
Nakikita ko sa malayo
sila JK at Pricilla, magkatabi sila may bench at masaya silang nag-uusap. Simula ng aminin sakin ni Pricilla na sila na, hindi na kami nag-usap. Hindi ko
siya iniiwasan. Pero mukhang ayaw din naman niyang lumapit.
‘Seryoso ka ba talaga
dyan?’ may narinig akong boses. Nandito kasi ako sa likod ng gym. Nagbabalik ng
mga bolang ginamit ng seksyon namin. Sumilip ako sa mga naglalaro. At naalala
kong seksyon nga pala nila JK ang may pe ngayon.
‘Oy Kennley, masamang
magsinungalin! Kung hindi mo naman talaga gusto yung tao wag kang
makipagrelasyon—“
“Loko!” binato ni JK
ng bola yung kausap niya. Napasandal ako sa pader.
Tama ba yung narinig
ko sa lalaking yun? Hindi naman talaga gusto ni JK si Pricilla?
“Mang-aagaw!” bigla na
lang akong tinulak ni Pricilla.
Kami lang na dalwa
dito sa cr.
“a-Ano bang ginawa—“
“Magkapatid na lang
kayo, Genie! Wala ka ng pag-asa kaya wa mo na siyang landiin pa!’
Hinintay ko si JK na umuwi sa may gate.
Bigla ko tuloy naalala yung mga alaalang yun nung highschool
pa ako. Kahit noon pa lang naman may mga bagay na akong hindi maintindihan.
Palagi akong tinitingnan ni Pricilla ng masama at tinatawag niya akong malandi.
Kahit na.. alam naman namin sa isa’t isa na kahit na kailan wala akong
nilapitang lalaki bukod kay Lindon at Harris. Kahit na sobrang lapit ko na kay
JK noon.. hindi ko pinaglaban ang nararamdaman ko para sa kanya. Dahil naging
magstep-sisters and brothers na kami. At bukod dun.. sila pa noon.
At kahit sobrang bait naman talaga ni JK sa lahat.. bakit
pagdating sakin parang ilap na ilap niya. Parang galit siya na ayaw niya sakin.
Kaya siguro naging mailap kami sa isa’t isa.
To:”JK
Pauwi ka na?
Tumingin tingin ako sa daan. At agad akong tumayo nung
makita si JK.. na may kasamang babae.
Hindi ako lumapit. Tumigil sila. Hindi ganong kalapit.
Nag-uusap. At saka ko natanto..
Ang babaeng iyon ay
si Pricilla.