1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Saturday, June 1, 2013

Chapter 8


“Matagal mo ng alam na dito siya pumapasok?” napayuko ako.


Dahil isa pang tinatago ko kay London, ay yung tungkol sa panunuluyan ko sa iisang bubong kasama si JK. Sigurado mas magagalit siya pagnalaman niya.


Dahan dahan akong tumango.


Sinilip ko naman siya at nakita ko kung gaano siya nainis sa sagot ko. Alam kong galit na galit siya kay JK kaya nga ayokong ipaalam sa kanya ang tungkol dito.


“Kaya kong mag-explain.” I reach for his hand pero umiwas siya.


“Let’s just talk about it later. Or mayber.. someday.” Umalis naman siya.


Nakaramdam ako ng takot sa mga tingin na yun ni London. Alam ko nagtatampo siya at hindi lang basta pagtatampo, galit siya sa ginawa kong paglilihim.

Ilang beses ko siyang nicontact nung dismissal. I’ve been waiting for him for one hour sa nasabing lugar. Pero hindi siya nagrereply. Walang response. Ni-try ko naman na puntahan siya sa room niya pero hindi ko siya nakita. I’m losing hope.. nung—



“Genevieve!”


 
Nung makita ko siya sa may department namin.


“j-JK?” ngumiti siya.

“Sakto lang pala. Buti hindi ka pa nakakauwi.” Pinakita niya sakin yung phone niya. Binasa ko naman.

“Ah oo nga pala! Ngayon na ba? As in now na?” tumango siya.

“Nasa bahay na si Ronald. Gantihan natin siya! lagi na lang kasi na siya ang wala. This time tayo naman. Atsaka..” hinawakan niya ang buhok ko. THUMP!
 

“May gusto akong hairstyle.”



He smiled.


Iniwas ko naman yung mga mata ko sa tingin niya.


“Tara!” nung tumalikod siya. saka lang ako nakahinga.


Just now.. parang sasabog ata yung puso ko sa sobrang kaba. Bakit naman kasi ganon? Bakit ganyan siya? Kanina lang.. nung ngumiti siya pakiramdam ko talaga hihimatayin ako. nagblush siguro ako! nakakahiya..


Si JK.. ang gwapo gwapo niya..


Hindi ito pwede..
 

“Hindi ka ba susunod?”

“Ah! Oo! Papunta na!” agad naman akong tumakbo.


Hindi ako pwedeng mahulog ulit sa kanya. Nagdecide na ako na tanggapin na lang kung ano ba talagang relasyon namin. Ganon din naman siya. Matagal rin yun. Alam ko naman na kahit noon pa lang ramdam na niya na hindi ko siya gusto bilang isang kapatid. Kaya nga siguro ang cold cold niya sakin. Tapos ngayon.. ngayon na wala na yung tension sa pagitan naming dalwa. Ngayon na ang laki na ng pagbabago namin sa isa’t isa. Siguro naman.. dapat I just accept the favor.

Sigurado ganon din si JK. Para sa kanya, lahat ng ginagawa niya, walang malisya ang mga ito. I just have to go with the flow and at the same time forget the feelings I had before for him.


Sa totoo lang, mas masaya naman kasi yung ganito. Being comfortable with each other. Nagpakulay pa kami ng buhok ng parehas na kulay. Tapos siya pa yung pumili ng hairstyle para sakin. Hindi ko na nga masukat yung saya na nararamdaman ko.


“Magkano—“

“Ako na.  Ako ang nagyaya syempre ako rin yung responsible for this.” Sabi niya.

“h-Hah w-wala naman yan sa usapan.” ni-tap niya ako sa ulo.


“Just let me, okay!” at umalis siya sa harap ko.


Tahimik lang kaming naglalakad pauwi. Sa sobrang hiya ko hindi ko alam kung paano magsisimula ng conversation sa kanya. Mukha namang nasa good mood siya. Pero kahit na.. nakakahiya pa rin. Natural bang ilibre mo ang kapatid mo sa pagpaparlor niya? hindi naman talaga kami magkadugo at hindi niya rin ako palamunin. Nakakahiya sa kanya..

Kung tutuusin kaya ko naman bayaran yun. Hindi naman kasi ako malimit gumastos sa school dahil madalas nililibre ako nila London at Harris. Kaya may mga sobrang tirang pera sa mga padala ni mama.


“Isipin mo na lang na advance birthday gift ko ito.” Nabigla naman ako nung bigla siyang nagsalita.

Natawa tuloy ako.


Akala ko tapos na yung surpresa. Hindi pa pala. Kasi pagdating ko sa bahay, sa kwarto ko, may mga damit na binili si JK para sakin.



“y-You look different.” Nakatitig na sabi ni London sakin. Mukha siyang lalaking lalaki kaya nahiya tuloy ako.

Napayuko tuloy ako. “Ang totoo..” sumilip ulit ako sa kanya. Nagtama ang mga mata namin.

Napakagat ako ng labi. Dapat ko bang sabihin sa kanya na si JK ang may gawa nito. “Ah—“ umiwas siya ng tingin. At napansin ko ang sobrang pamumula ng tainga niya.


Kaso mas nagulat ako nung sumulpot si Harris sa harap ko at nahawakan agad niya ang mga kamay ko.


“Good—“ napatigil siya sa pagsasalita.

Tiningnan niya ako sa mukha hangggang paa. At biglang napalayo. Takot na takot siya at parang nakakita ng multo. Natakot din tuloy ako.


“Ge-Ge-Ge—“ bigla siyang tinulak ni London.

“There you go again, oa hah! Tss.. ang dionget!” natawa naman ako sa sinabi ni London. Pero hindi pa rin siya nakatingin sakin. Namumula pa rin pati yung tainga niya.

“Ahhh.. ang ga-ga-ganda  mo Genie!” muntik na niya akong yakapin.


“Malelate na kami!” kundi lang humarang si London.

“Pwe!” natawa tuloy ako sa expression ng mukha ni Harris. Si London kasi ang nayakap niya.

“Pwe your face. Dionget! Ewwww..”


Umalis naman kami.

Sa totoo lang may 30 mins. pa naman bago mag-start yung class namin e. Hindi ko lang alam kung bakit gusto na agad ni London na umalis kami. Hindi naman siya ganyan.


“I saw you.. kasama mo siya.” napatigil kami sa paglalakad.

“Honestly, ayokong nagkakaganito tayo. So tell me the truth. Everything.”


Natahimik naman ako sa tinutukoy niya. Tiningnan ko siya sa mga mata at determinado siya na malaman ang lahat. Kaya naman sa sa 30 mins. na natitira, kinuwento ko lahat kay Lindon ang katotohanan.

Hindi ako nakapagconcentrate sa klase. Kahit sa pagdidiscuss sa project namin hindi ko nagawa ng tama. Masyadong lutang ang utak ko. At tumatak sa isip ko ang mga sinabi niya. Masyadong masakit pero wala naman akong magagawa dun. I understand him, he’s just worried.


Mabuti na lang nga hindi na dumagdag yung mga kaklase ko.


“Genie!!” nakita ko naman si Harris. “Halika.” Bigla niyang hinigit ang kamay ko.


Papunta dapat akong library para sa mga libro kaso nakasalubong ko naman si Harris. Dinala niya ako kung saan man.


“Saan mo ba ako—“ hindi ko natuloy ang sasabihin ko nung makita ko ang creative artwork na yun.



Napakaganda.


“Ako ang gumawa niyan. Pinagtripan kasi ako nung matandang hukluban na yun. Pinagpipintura niya ako ng mga pader. Ang boring boring. Kaya naisip kong i-drawing ka na lang.


s-sobra kasi akong nagandahan sayo. S-Sobrang ganda mo talaga ngayon , Genie! Hindi mawala sa isip ko yung image mo kaya naisip ko na idrawing ka na lang at i-paint.


Hindi ako ganon kagaling. Sa totoo lang ayoko na pinapakita sa ibang tao itong kalokohan kong ito. Si Papa rin kasi tinatawag na kalokohan ito. Nakakatawa. Pero.. gusto ko pa rin na makita mo ito. Gusto kong malaman mo ang nasa isip ko.



Genie.. sa mga mata ko. Ikaw ang pinakamaganda.. HEHE!”


Masyado akong nadala sa ganda ng ginuhit na yun ni Harris. Napakaganda! Hindi ako makapaniwala na siya ang may gawa nito. At hindi ko akalain na ganito ako kaganda ngumiti sa mga mata niya. Parang hindi ako. Pero ako nga talaga..


All this time, ganito si Harris sakin. Hindi ko akalain lalagpas pa siya sa ineexpect ko.





“I like you!”

HTML Comment Box is loading comments...