Pero bigla na lang pumasok sa isip ko ang mga katagang sinabi ni Pricilla sakin nung magbreak sila ni JK.
‘Kahit hindi na kami. You better get rid of that feelings as early as you can, hinding hindi ka magiging masaya sa kanya. Kahit malaman mo pa na lahat ng nalalaman mo ngayon ay puros kasinungalingan lang, kayo ni JK ay hindi talaga para sa isa’t isa.’
Hindi magsink-in sa utak ko ang mga sinasabi ni JK. May mga bago saking nalaman, at hindi ko alam kung paano ko pagdudugtungin ang mga nalaman kong ito sa kaniya. Sabi niya gusto niya ako. Pero mas una niyang nakilala si Pricilla sakin. Hindi siya kilala ni Pricilla, yun ang pagkakaalam ko. Pero kung totoo lahat ng sinasabi niya.. si Pricilla matagal na siyang may gusto kay JK bago pa niya malaman na yung bestfriend niya may gusto rin sa taong kinagugustuhan niya. Pero bakit kailangan itago ni Pric sakin ito.
“Nalaman ni Pric.. na yung father ko ay yung kinakasama ng mama mo. Nung malaman ko mula sa bibig niya ang tungkol dun, natatawa na lang ako na nagkagusto talaga ako sayo. Kalokohan lang naman pala yun.” umiling iling ako sa mga naririnig ko sa kanya.
Nasasaktan na ako sa mga sinasabi niya. Kaya naisip ko na pumunta na lang sa cr—
“Naisip ko na siguro hindi kasi talaga kasi pwedeng maging tayo—“ bigla na lang niya akong niyakap sa likod. Even his tears drench my shoulders.
Umiiyak si JK.
“Parang pinaglalaruan ako ng tadhana. Pinamumukha sakin ng tadhana.. na hindi kita pwedeng mahalin dahil nangako ako. May pinangako na ako, Genie. I can’t make you happy. Pwede kitang mahalin ng malayo tayo sa isa’t isa. Pero hindi pwedeng maging tayo. Masaya ako na parehas tayo ng nararamdaman sa isa’t isa. Pero mas magiging masaya ako kung tatanggapin mo ang katotohanan.. na hindi pwedeng maging tayo..”
Napahawak ako sa kamay niya. Gusto kong alisin ang mga kamay na yun sa pagkakayakap sakin. But instead. Napaiyak lang ako.. umiyak ako ng umiyak sa mga bisig ni JK.
Maagang umalis si JK nung sabado. Hindi ko alam kung saan siya pumunta ng ganong kaaga. Iniisip ko na siguro kailangan din niyang mapag-isa.
Nakapag-usap na kami ni Lindon. Okay na kami. At humingi siya ng tawad sa pag-iwas sakin. Magkikita nga sana kami ngayon. Kaso pinuntahan naman ako ni Harris sa restaurant.
“Gusto kong humingi ng patawad ng maraming beses. Sorry talaga.” Nakayuko siya na parang nagdadasal habang nakikiusap.
Napangiti naman ako.
“Sorry din.” kita ko sa peripheral vision ko na parang nagtaka siya sa sinabi ko.
“Alam ko na nasasaktan din kita Harris.” Ayokong makasakit. Pero mas mabuting malaman niya ang totoo. “Tungkol dun sa confession mo—“
“Hindi ko sinabi na kailangan ko ng sagot!” napalingon ako sa kanya.
“Hayaan mo akong magmove-on. Hayaan mo na ako mismo ang magsabi sa sarili ko na tama na. Saka ko lang yun gagawin kapag dumating na yung taong magmamahal sayo ng higit sa pagmamahal na kayang kong ibigay. Na kapag nakita ko na kayong dalwa na mahal na mahal ninyo ang isa’t isa..
Na masaya kayo at hindi mo na ako kailangang makita pa..” hinawakan niya ako sa mga kamay habang nakayuko siya.
Sa likod niya nakita ko naman si Lindon.
“Lindon..” bumitiw si Harris sakin.
Parehas kaming napatayo.
“Genie, mag-usap tayo.”
“May trabaho pa kasi ako—Atsaka..” tiningnan ko si Harris. Nakayuko pa rin siya sakin. Humarap naman siya kay Lindon.
“Ako na lang muna ang papalit sa trabaho mo Genie. Sasabihin ko na lang kay Tita.” Nilapitan niya si Lindon. Akala ko mag-aaway na naman sila pero nabigla ako nung hinawakan ni Harris si Lindon sa balikat.
Parang may binulong siya dito.Tapos lumingon sila sakin parehas. Ngumiti si Harris sakin at nagthumbs-up siya.
Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakabasa ko sa bibig niya, ‘dumating na siya’
Dumating na siya?? Sino ang tinutukoy ni Harris?
Hindi ko na nagawang makapagpalit ng damit. Pero pinahubad sakin ni Lindon yung apron na soot ko. Dinala ako ni Lindon sa simbahan.
“Anong..” nagtataka kong sabi sa kanya.
“Maybe it’s time for you to understand everything. Naalala mo yung mga sinabi ko?”
Tinitigan niya ako, ‘I told you, na kalimutan mo na ang feelings mo sa kanya. What happens in the past, should stay in the past. Wag mo namang pahirapan ang sarili mo. Wag mo naman akong pahirapan Genie sa panood kung gaano ka nasasaktan. Dahil hindi mo alam kung anong epekto nun sakin. Hindi mo ako kagaya, na handang magpakatanga sa pag-ibig. Kaya hindi ako maaawa sayo, magagalit lang ako lalo.’
Hinawakan niya ako sa ulo.
“Do you remember my first confession when we’re in highschool. I mean it. Just because I’m gay doesn’t mean that I’m not attracted to you, Genie.” Bigla naman akong kinabahan kaya umiwas ako ng tingin kay Lindon.
Just now, may sinasabing kaweirduhan si Lindon sakin.
“I’m impatient, you know that. After you made up your mind, come to me. I’m still your bestfriend, you know.” Umalis naman siya.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako sumunod kay Lindon. Pero.. nakita ko bigla si JK. Nakasoot siya ng uniporme na nagpaintindi sakin ng lahat.
“Amen..” nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa matapos siyang magdasal.
“Wag mong sabihin tinitingnan mo lang ako habang nagdadasal ako. Hindi ka nagdasal?” ang saya saya niyang tingnan. Ngayon ko lang nakita ang masasayang tingin na yan sa kanya. Nung habang nagdadasal siya, ibang JK ang nakikita ko.
Yung puso ko.. natatakot ako sa pwede kong malaman.
“Hindi ba bagay sakin?”
“Mas bagay sayo ang uniform natin nung highschool. Kahit na anong uniform, wag lang ito JK.” Hindi ko maalis ang mga tingin sa kanya. Kapag umiwas ako ng tingin, siguradong papatak ang mga luha ko. “Ganito ba kalayo ang ibig mong sabihin..”
Tumingin siya sa una. Na ayokong tingnan.
Ngayon lang ako magagalit sa ginawa NIYA. Bakit si JK pa..
*sob*
“Hindi ko intension itago sayo ang tungkol dito. O ang tungkol man sa hindi ko pagsang-ayon sa pag-ampon sakin ng mama mo.” napayuko ako. Umiyak na ako ng tuluyan.
“Sa tuwing nakikita kita, pakiramdam ko paulit ulit akong nagkakasala sa KANYA.
Sa tuwing kasi mararamdaman ko na mahal kita, naiisip ko na bitawan na lang ang ipinangako ko sa KANYA. Sobrang galit na galit ako sa KANYA nung sirain niya ang pamilya ko. Nung ipakita niya sakin kung gaano kapangit ang pag-ibig. Kung gaano SIYA kasakim na hindi pa SIYA nakuntento at kinuha pa NIYA si Papa.
Paulit ulit kong tinatanong bakit ako pa? Sa totoo lang hindi naman ako ganong makasalanan kumpara sa mga kriminal.
Pero alam mo, dahil dun sa mga sakit na naramdaman ko.. mas lalo akong napalapit sa KANYA. Mas lalo ko siyang naintidihan. Kaya naisip ko na paglingkuran siya. Ibang klaseng saya ang nararamdaman ko sa tuwing pinagsisilbihan ko yung ibang tao, lalo na yung mga taong nangangailangan. Sa tuwing nakakarinig ako ng mga kwento tungkol sa kanya. Masaya ako sa desisyong ito kahit na gusto ko rin na iharap kita sa kanya at ipakilalang ang babaeng minamahal ko ng sobra. Ang babaeng laging dahilan ng pangungumpisal ko..
Palagi kitang nasasaktan. Sa salita at sa galaw. Emotionally and mentally. Paulit ulit akong humihingi ng kapatawaran sayo, sa tuwing napagsasalitaan kita ng masama tungkol kay Pricilla. Gusto ko kasing magkaayos kayo at yun lang ang paraang alam ko.
Sa paulit ulit kong pag-iwas sayo. Oo, Genie bumibisita ako sa bahay ninyo. Yun din ang paraan ko para makaiwas sayo kaya hindi ko pinaalam sayo. Alam ni mama mo, ang tungkol sa feelings ko para sayo. Sa mundong ito kasi, may dalwang bagay lang tayong hindi maitatago sa ibang tao. Yung karamdaman natin physically at yung.. pagtingin natin sa isang tao. You can pretend that you don’t love someone in front of him/her. But you can’t never lie to someone else. Hindi ko alam kung bakit, pero napatunayan ko yun. Hinayaan ako ng mama mo gawin ang gusto ko, dahil naniwala siya sakin. Dahil naniniwala siya na ito ang mas mabuti para sayo. At para sa ikabubuti mo, naniwala ako kay Pricilla na kung ipapakita ko sayo na iba ang gusto ko, matututunan mo akong kalimutan. Nagkikita kami, dahil kaibigan ko pa rin si Pricilla. Na gaya nga ng sinabi ko sayo, siya ang nasa tabi ko nung mga panahong down na down ako.
Gusto kitang pasayahin, Genie. Gusto kong ipadama sayo kung gaano ka kaespesyal at kahalaga sakin. Kung nasasaktan kita. Mas ayoko naman na saktan ka ng iba..” tumingin ako sa kanya at umiiyak pa rin ako.
Hinawakan niya ang kamay ko.
“Gusto kitang makita sa harap ng altar na yan, at ako mismo ang magkakasal sayo at sa taong mamahalin mo panghabang buhay. Once again, I’m asking you a very selfish request.
Suportahan mo ako sa pagpapari ko.”