1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Friday, June 7, 2013

Chapter 14

Gusto kong umiyak. Gustong kong mawala na lang sa mundong ito nung mga oras na yun. I didn’t make it in time. Bakit ngayon pa kasi. Bakit ngayon pa ako nagkameron ng problema sa lahat. Kay JK. Kay Lindon. Kay Pricilla. At kay mama.

I’m pretending all this time na kaya ko. Na kaya ko kahit hindi ko nalalaman sa kanila ang totoo. Kahit palaging wala si Lindon sa tabi ko sa time na kailangan na kailangan ko siya. Si mama na naglilihim sakin sa mga bagay na noon ko pa gusto malaman tungkol kay JK. At si JK na paulit ulit akong sinasaktan.

Ang hirap ng ganito.. punong puno ka ng ideas sa isipan mo. Pero ni isa sa mga ideas na yun ay hindi naman totoo. Gusto ko lang ng katotohanan.. gusto ko lang talagang malaman ang totoo.


*sob*

Ten o’clock na noon. Dapat uuwi na ako. Pero sa sobrang bigat ng nararamdaman ko naisip ko na muna na umistambay sa may shed ng bus stop.


Lunch break, hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang pumunta sa cafeteria kahit na wala naman na akong dapat puntahan. Hindi naman ako gaanong nagugutom. Dinala lang ako ng mga paa ko para iwasan ang mga taong ayaw kong makita at ayaw naman akong makita.


“GENIE!!”  bigla na lang siyang sumulpot.

“Wah hindi kayo magkasama ni bekifriend!?” tuwang tuwa siyang lumilingon sa likod ko. Bakit ngayon pa sumulpot si Harris. Siguro tapos na siya sa paghabol sa mga lessons niya.

“Sige, Harris.” Bigla niya akong hinawakan sa kamay.

“Nakita kita kagabi sa bus stop. Genie, may problema ba?” hindi ko alam ang sasabihin ko sa sinabi ni Harris.

Nasa isip ko lang, ibig sabihin nakita niya na umiiyak ako nung mga oras na yun.

“Harris..” Sinubukan kong pakiusapan siya sa boses ko. Pero mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Nung maramdaman ko na lang na may iba pang humawak ng kamay ko. At paglingon ko—si JK.


“IKAW?!” biglang sumama ang tingin ni Harris. May halong galit at pagkabigla sa mga mata niya. Malaki ang pagkamuhi ni Harris kay JK dahil gaya ni Lindon alam din niya ang tungkol sa kwento sa pagitan namin ni Pricilla.

“Harris tara na.” hinawakan ko ang kamay ni Harris. Naaagaw na namin ang atensyon ng ibang tao.

“Bitawan mo siya pare. Kailangan ni Genie mapag-isa.” nabigla ako sa sinabi ni JK. At nainis din. Dahil all this time, iniiwasan niya rin ako dahil naniniwala syang kailangan kong mapag-isa. Napakamanhid niya talaga!

Binitawan ako ni Harris. At sa sobrang bilis ng pangyayari bigla na lang niyang sinunggaban si JK.

“Anong ginagawa mong gago ka sa school na’to!?” ang sama ng mga tingin ni Harris. Agad ko silang inawat.

Yung ibang tao halos pinapanood na kami. Gumagawa kami ng eksena dito sa cafeteria. At nakikita ko si Lindon, sa isa mga taong nanonood samin.

“Tama na please.” Nagmamakaawa kong sabi sa kanila.

 “Gusto ko lang na hayaan mo si Genie—“ bigla na lang sinuntok ni Harris si JK.

Naghiyawan ang ibang tao na nanonood samin. May ibang umawat kay Harris.

“Hayaan!? Sana hinayaan mo na lang talaga si Genie noon pa!! Gago ka! Alam mo ba na pinangako ko sa sarili ko na babasagin ko ang pagmumukha mong gago ka pagnakita kita dahil sa paulit ulit mong pananakit kay Genie!” natakot ako sa mga sinabi ni Harris. At sa mga pwede pa niyang masabi habang pilit siyang nagpupumiglas sa sobrang galit kay JK.


“Dahil sayo nasira ang pagkakaibigan nila ng dati niyang bestfriend! Dahil gusto ka niya kaya siya nahihirapan!”


Napahawak ako sa bibig ko ng tuluyang nasabi yun ni Harris. Tumulo ang mga luha ko.


“GAGO!” bigla na lang sumulpot si Lindon sa harap ni Harris at sinampal niya sa harap ng madaming tao ito.



Hindi ko na napigilan, at tumakbo ako palayo sa kanila at sa madaming tao na yun.


Iyak ako ng iyak. Hindi ko alam kung saan papunta yung mga paa ko. Naiinis ako sa mga nangyayari at sa nangyari na. Nagagalit ako kay Lindon dahil bigla na lang niya akong iniwasan ng hindi ko malamang dahilan. Nagagalit ako kay JK dahil sobrang manhid niya. Nagagalit ako kay Harris dahil sa kanya nalaman na ni JK ang tungkol sa tunay kong nararamdaman.


Sana lang talaga maglaho na lang ako bigla sa mundong ito sa sobrang kahihiyan.

Nagkulong lang ko sa kwarto ko. Umiyak at naghagulhol. Mabuti na lang wala si Tita nung mga araw na yun. Ilang beses kumatok sa pinto sila JK at Arnold pero hindi ko sila pinansin. Ilang beses ding tumawag si Harris at Lindon sakin, pero wala din akong pinansin sa kanila.


*sob*


Iyak ako ng iyak. Nung marinig ko ulit na nagriring ang phone ko. I-o-off ko na dapat nung makita ko ang pangalan ni Ven sa screen. Hindi ko ma-end ang call dahil sa totoo lang hindi ko naman talaga kaya ang sakit na nararamdaman ko.

“Ven—“ hindi ko na napigilan at humagulhol na ulit ako ng iyak sa kanya. Nag-usap kami ni Ven. Sinabi pala ni Lindon sa kanya na tawagan ako. Sinabi ko naman kay Ven lahat lahat. Kailangan ko talaga ng taong makikinig sakin. At siguro si Ven yun..


Kahit hindi pa man ako okay, pumasok pa rin ako. Nakita ko ang mga kaklase ko nagkakagulo. Dahil siguro lumabas na yung published book na sinasabi samin. Isa ring estudyante ang nagsulat nun..


“Here.” Hindi ako lumabas ng classroom nung lunchbreak o kahit break time.

Kaharap ko ngayon si Claire at may inaabot siya saking drinks.

“Don’t worry hindi ito galing dun sa dalwang lalaking yun.” tinutukoy niya sila Lindon at Harris na kanina pang sumusulyap sa classroom namin.

Siguro alam na rin ng mga kaklase ko ang tungkol sa pagdeny dun sa work ko. Tinanggap ko naman yung drinks ni Claire at nagpasalamat sa kanya.

“It may be a little awkward, you know, pero handa kaming makinig. After all, you’re a big help to us. And we’re one. I mean, isa tayong team, tayong magkakaklase. At tayo tayo lang din ang magtutulungan hanggang sa makagraduate tayo.” Umalis naman siya sa harap ko.


Hindi ko na talaga alam ang mga nangyayari. Hindi ko na mainitndihan ang mga nangyayari sa paligid ko. Sakin. Hindi naman talaga ako ganito. Hindi ko lang siguro matanggap na nagsabay-sabay ang mga problema ko. At yung mga taong pinaghuhugutan ko ng lakas.. hindi ko pala dapat pinagkatiwalaan.


‘Hija, anak. Ang lalaking yan, simula ngayon magiging Kuya mo na siya..

Hindi mo dapat siya tinitingnan ng ganyan. Hindi ka pwedeng magkaroon ng espesyal na pagtingin sa Kuya mo. Kahit na hindi kayo magkadugo.”


Alam ninyo ba kung gaano kahirap magmahal ng taong hindi mo pwedeng mahalin.

Yung taong sobrang gusto mo. Gustong gusto mo siyang hawakan.. abutin.. pero hindi mo magawa. Dahil hindi pwede. Ang hirap pigilan ng isang pagtingin.. kung ayaw naman talaga ng puso mo. Pinipilit ng utak mo na kalimutan ang feelings na yun.. pero hindi mo alam kung bakit ayaw nito.

Kahit na kailan naman hindi ko hiniling na mahalin din ako ng taong yun. Pero sana.. kahit isang beses lang nagawa kong ilabas ang nararamdaman kong ito. Kasi ang hirap hirap itago. Ang bigat bigat sa pakiramdam, why is that the more you try to forget,  the more you remember.


Bakit kasi may mga  bagay na paulit ulit na nagpapaala dito..



“Ge—“ nakita ko siyang lumabas ng kwarto niya. Pero agad ko din siyang iniwasan.

“Iniwasan kita dahil akala ko kailangan mo nito.” Hinigit niya ang kamay ko, “Pero ang totoo pala, iniiwasan mo ako dahil nahihirapan ka sa tuwing nakikita mo ako. Bakit!?” napatingin ako sa kanya at nakikita ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya.

Bakit ganyan siya makatingin? Bakit parang ako pa ata ang nagpapahirap sa kanya.. Tuloy gusto na naman ng mga mata kong umiyak..

Umiwas naman ako ng tingin, “Nakita ko sa adoption record.. wala ang pangalan mo. Hindi tayo magkapatid. Bakit hindi ko alam..” sa lungkot ng pananalita ko kahit na anong oras ata pwedeng pwedeng pumatak ang mga luha ko.

Napabitiw siya sakin, dumiretso naman ako sa kwarto ko.

Wala namang mangyayari kung palagi kaming mag-iiwasan. Pero gusto ko lang munang mapag-isa--


Kaso hindi ata talaga ako mapagbibigyan dun, bigla na lang kasi pumasok si JK sa kwarto ko. Nakayuko siya habang nakasandal sa pinto.


“JK!—“ naiinis talaga ako.

Nakayuko pa rin siya at hawak pa rin niya sa likod niya yung door knob. Dahan dahan siyang tumingin sakin.


“I’d be honest with you, and I’ll tell you everything. So don’t escape from me.” Napayuko naman siya. Umiwas naman ako ng tingin.


“Oo tanga ako. Pero hindi ako manhid Genevieve.. I’ve  known  for  a  long  time  how  much  I  meant  to  you. Pero mas pinili kong manahimik hindi dahil wala akong pakealam sa nararamdaman mo.”

Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. So alam na pala niya matagal na ang tungkol sa feelings ko..

“At first, akala ko normal lang naman na magkagusto ka sa isang tao. Pero habang kinikilala kita.. habang tumatagal nahuhulog din ako sayo. Walang dahilan para hindi magkagusto sayo ang kahit na sinong lalaki. You’re a good person. Beautiful in and out. Pero kahit na anong pilit ko na abutin ka.. hindi kasi talaga pwede.”

Dahil ba alam mo na magiging magkapatid tayo? So all this time, parehas lang kami ng nararamdaman sa isa’t isa. I shouldn’t blame him.. dahil parehas lang pala kaming nahihirapan..


“Naging kami ni Pricilla.. dahil bago pa kita nakilala. Kilala na namin ang isa’t isa. Hindi kami close. Pero si Pricilla ang nasa tabi ko nung mga panahong galit na galit ako sa taas..



Nung galit na galit ako sa mundo. At sa diyos..”
HTML Comment Box is loading comments...