Hindi ko na talaga alam ang itatype ko dahil hindi ako makapagconcentrate. Simula ng mangyari yung kahapon wala ng pumapasok sa isip ko kundi yun na lang ng iyon. Naaalala ko pa talaga lahat at malinaw na malinaw. Yung mga tingin niyang matamlay pero maangas. At yung mga labi niya.. na lumapat sa labi ko.
He kissed me? JK kissed me? My first kiss..
Nakakaloka. Napakaimposible kasi talaga. Pero totoo talaga yun e. nangyari talaga yun. naramdaman ko talaga ang mga labi niya kahit mabilis lang yun. Pero siguro din.. wala siya sa sarili niya. I mean, nung last time kasi na nagsakit siya nung nakatira pa siya sa bahay namin. Muntik na niyang sukahan yung drawer niya. binuksan niya yung drawer niya sa pag-aakalang lababo yung drawer. Tama ganon yun. wala lang talaga sa sarili si JK..
Pero.. hindi naman niya binuka ang bibig niya na parang susuka siya. nilapat niya ang labi niya sa labi ko. at pwede bang.. magsalita ka nun sa harap ng lababo.. ‘I really like you.’
Nakakabaliw talaga!
Mabuti na lang hindi pa kami nagkikita ni JK simula pa kahapon. Maaga kasi akong umalis dahil dito sa project ko. at pagkatapos naman ng gabing yun. nagkatitigan lang kami tapos bigla na lang siyang natulog. At hindi na siya nagising. Kaya baka nga wala lang talaga siya sa sarili..
Pero pansin ko rin na hindi ko masyadong nakikita si Lindon sa paligid.
Ni-try kong kumain sa cafeteria. Mabuti na lang may table pa. Nung una ako lang yung kumakain. Pero may makikishare din pala. Hindi ako sanay. Lalo na nung mga kaklase ko na ang katabi ko, I feel like I can’t join them. Kaya umalis din ako--
Bigla na lang nakita ko si Lindon sa harap ko. ang sama ng tingin niya.. hindi sakin.
“Hey, can I get this seat.” Nagulat ako nung biglang kinausap ni Lindon ang mga kaklase ko. at pinapaalis niya ang mga ito.
“What? Can’t you see we’re—“
“I’m with this girl. So, back off.” Mas lumapit pa si Lindon sa mga ito. Natakot ako kaya agad ko siyang pinigilan.
Ayoko pati ng away.
“Let’s go girls.” Umalis naman sila na parang walang nangyari. Hindi nila kami tiningnan. Napahanga tuloy ako kay Lindon.
“Ano!?” magkasalubong pa rin mga kilay niya. habang ako napapahanga sa kapatangan niya. kahit na medyo natatakot ako sa pwedeng mangyari mamaya sa klase ko. ibang klase talaga ang appeal ni Lindon.
“Akala ko busy ka.” Umupo naman kaming dalwa.
“Busy? Duh! It’s just.. they keep texting me. How annoying they can be..”
“Yung mga kablind date mo?” inirapan niya ako.
Tapos bigla siyang naging seryoso at naging malungkot yung mukha niya. natakot ako at the same time nagtaka, “I think, Ven is right. Hindi dapat tayo dito pumasok. It’s just a prestigious.. yeah famous. Pero.. pare-parehas lang naman lahat ng school depende lang sa kakayahan mo at sa diskarte.”
“Anong ibig mong sabihin?"
“I won’t let them do this to you, again. I won’t let them hurt you.” Parang nambabanta na ewan si Lindon. Nakakatakot yung mga tingin niya. “Kung minamaliit ka nila dahil mabait ka at hindi ka lumalaban. Pwes, ako ang lalaban para sayo.”
Napakunot ako ng noo.
At tinitigan siya ng maayos.
“Ano bang tinutukoy mo?”
Ininom niya yung drinks ko, “Hindi mo naman kailangan itago sakin. Sorry, kung napakawala kong kwentang kaibigan at hindi ko agad napansin.” Hindi pa rin siya tumitingin sa mga mata ko. Pero mukha talaga siyang seryoso. “Naiinis din ako.. kung bakit kailangan ko pang malaman ito sa taong yun..”
“He did this everything to protect you. Sana ako na lang ang gumawa nito..” nalilito na talaga ako sa sinasabi ni Lindon.
“Jk told me you were having a hard time here in university.”
Another puzzle solved!
So, kaya pala palagi siyang nanonood sakin. Kaya palagi siyang sumusulpot kung saan saan at palagi ko siyang nakikita. Naaawa siya sakin..
Ganon ba ako ka-loser.
“Oy saan ka pupunta! Hindi pa ako kumakain can’t you see. Just don’t worry about it, o—“ kinalas ko ang pagkakahawak ni Lindon sakin. At iniwan ko siya.
Hindi ko na talaga maintindihan si JK.
Isang araw dinala niya si Pricilla sa bahay namin. Not actually sa loob ng bahay, pero nakilala siya ni mama. Hindi ko narinig ang usapan nila. Madali lang din naman kasi sila.
Pero naiinis ako sa tuwing naaalala ang mga sinabi niya,
“Magbestfriend kayo ni Pric, diba?” tumingin ako sa kanya. Gumagawa kasi ako ng assignment nung mga oras na yun. tumango ako.
“Ayaw mo daw makipag-ayos sa kanya?” napakunot ako ng kilay. “Hindi ko alam kung bakit nag-iiwasan kayo simula ng maging kami. Pero.. hindi ko naman aagawin ang oras ninyo sa isa’t isa. So stop giving her a hard time, will you?”
Nanlumo at nanliit ako sa mga sinabi niyang iyon. Pero umoo na lang ako. Wala man siyang alam o may sinasabi man sa kanya si Pricilla tungkol sakin, wala na lang akong pakealam. Yun ang nasa isip ko nung mga oras na yun.
Pero hindi ko pa rin napigilang pumatak ang mga luha ko.
“Hmm.. bakit ngayon ka lang?” papunta na ako ng kwarto ko ng makita ko naman siyang papalabas ng kwarto niya. inaantok pa siya.
“Ginawa ko lang yung project ko.” nilagpasan ko naman siya at pumasok na ako ng kwarto ko.
Alam ko naman na wala siyang masamang intension sa ginagawa niya. Ako lang itong nasasaktan. Nagpapaapekto ako dahil sa paniniwala na siguro.. kahit konti. Kahit konti lang he really cares for me.
“So kamusta, any progress?”
“Pasensya na ho kung sa tingin ko hindi ko ito matatapos this month.” Nakayuko kong sabi.
Binalot kami ng katahimikan.
“Alam mo hija, napakagaling mong magsulat kahit nagsisimula ka pa lang. Yung theme ng project na pinagagawa ko sayo, bagay na bagay yun sa isang estudyante na gaya mo na pangarap maging isang writer. Hindi lang maging isang mahusay na writer. Kundi ang makapagpublish din ng sariling libro. Writing is rewriting, making the story better, clearer, and truer. Writing well is difficult, but one can always write something. And then, with a lot of work, make it better.
So hija, kung yung isipan natin hindi nakafocus dun sa isusulat natin. Hindi tayo makakapagsulat ng bukal sating puso. Hindi yun mararamdaman ng readers. Alam mo naman na, a good writer must first be a good reader. Hindi magiging maganda ang resulta. At yung gusto mong iparating sa isusulat mo, hindi mo maisusulat ng tama dahil iba yung talagang nilalaman nito.” Tinuro ni prof. yung isip at yung puso niya.
“Hindi mo magagawa ng tama yung pinagagawa ko sayo. So I’ll give you time. Tapusin mo muna ang dapat tapusin. At kung dapat.. kalimutan ang dapat kalimutan.”
Pinag- isipan kong mabuti ang sinabi ng professor ko. Writer’s block. Yun siguro ang maituturing na dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
Pero ang totoo hindi, dahil may gumugulo sa isip ko. May gusto akong tapusin. At siguro.. dapat kalimutan.
“She’s been busy lately.”
“I can’t even ask her. Baka mamaya may bigla na lang mangyari..”
“So she really is this kind of girl. Self-centered!”
“Ano ba talagang gusto niya? Possess everything?”
“Annoying. We ought to know what kind of person she is.”
Hindi ko na kaya! Paulit ulit kong naririnig ang mga sinasabi nila. Nawawala na ako sa sarili ko. Gusto ko lang magfocus. Ayoko ng ganito. Iniiwasan ko na ang lahat sa paniniwala na yun ang dapat. I should get rid of this writer’s block thingy. Mas mahalaga ito kaysa sa iba. Focus! I should get rid of everything. Of everyone!
“Maaga ka ata ngayon, Genie.” Dire-diretso lang ako sa pag-akyat sa kwarto.
“Dalwang araw na ang nakakalipas.. ganon ba kahirap ang Creative writing, JK? Namimiss ko na ang naïve na Genie.”
Who needs someone’s opinion?! Wala akong pakealam sa sasabihin ng iba. This is more important than anything. Kahit na anong magyari kailangan matapos ko ito.
“Are you sure you’re fine?” magkasalubong ang mga kilay ng prof. ko but still worried.
“Mam, ginawa ko po lahat ng makakaya ko. Sinunod ko po ang sinabi ninyo.” Napayuko ako. “Anong silbi ng pagsusulat ko kung hindi ko ito matatapos on time..”
“I’m sorry to say this, Genevieve. Pero hindi ko ito maipa-publish.”