1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Friday, June 7, 2013

Chapter 12

Agad kong pinaghanda si JK ng maaari niyang makain at ang mga gamot na iinumin niya. Pinuntahan ko siya sa kwarto niya. At nakita ko siya sa kama na balot na balot ang sarili. Mukha siyang lumpia. Tapos ang pula pula talaga ng ilong at pisngi niya. Ganitong ganito talaga siya pag may sakit. Parang siyang bata na walang pakealam sa sarili basta maging komportable lang siya.

Tiningnan ko naman yung aircon. Patay naman. Pero mukhang lamig na lamig pa rin siya. Nilapitan ko siya at hinipo yung noo niya. yung leeg niya at hinawakan ko yung leeg ko, ang init nga niya. tiningnan ko yung kwarto niya. hindi naman siya ganon kagulo. Pero yung mga damit niya tambak. Kinuha ko ito at dinala sa labahan. Naisip ko na ring maglinis ng buong bahay.


Mamaya maya may kumatok.

“Sino po sila—“ nabigla ako na makita si London. “l-Lindon?” kinaway niya ang kamay niya at ngumiti sakin.

Agad din niyang nilagay sa bulsa ng pantalon niya ang mga kamay niya at dire-diretso siyang pumasok ng bahay. Napansin ko ang oras, 8:15 pa lang.

“Dumaan ako sa restaurant, wala ka.” Tiningnan niya ako. “You’re doing household chores?” tumango naman ako.

“Really!? Then can I help?” bigla ko namang naalala si JK.

“Sandali lang Lindon a.” agad kong hinubad yung apron na soot ko, yung gloves pati na rin yung nasa ulo ko at dali dali akong pumunta ng kusina at sa kwarto ni JK.

“Hey, what’s going on?” hindi ko na napansin si London.


Pumasok naman ako sa kwarto at nakita kong nag-iba na ang posisyon ni JK. Hindi na siya balot na balot ng kumot tapos nakasando na lang din siya. Hinubad niya ata yung jacket niya. Mukhang pinagpapawisan na siya at nagsisimula na siyang hindi maging comfortable, sinarado ko kasi lahat ng bintana, medyo konti lang yung hangin talaga na napasok.


“j-JK?” nakakunot yung mga kilay niya. At napansin ko pa yung katawan niya. sobrang puti pala talaga ni JK.

“Inom k-ka na ng gamot..” napakamot siya ng ulo. Inalalayan ko naman siya at inabot sa kanya yung gamot. Nakakunot pa rin yung mga kilay niya. Hindi niya minumulat yung mata niya pero uminom siya ng gamot.

“Ahh kumain ka na muna—“ bigla niyang hinigit ang kamay ko at niyakap ang bisig ko. “j-JK?”

“Ang lamig..” narinig kong sabi niya.

“Hah?” sinubukan ko namang hanapin yung jacket niya pero mukhang nasa kabilang side. Yakap yakap pa rin niya ang kamay ko. Ramdam ko tuloy yung init ng katawan niya. Kaya yung kumot na lang ang pinambalot ko sa kanya—

“Mainit pag yan..” parang naiinis ata siya sa nararamdaman niya. Mukhang hindi talaga siya okay.

“JK? Ano bang nararamdaman mo? may masakit ba? Saan ka hindi komportable?” nilapit ko ang mukha ko sa kanya para marinig niya ang boses ko.


Hindi siya agad sumagot. Pero ramdam ko pa rin ang mga kamay niya sa bisig ko. Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya. At nung magtama ang mga tingin namin parang biglang nag-init ang mukha ko. Nahawaan niya ata ako ng init niya. Pero kasi..

Ang Hot niyang tingnan..

At ang cute dahil sa pamumula ng pisngi niya at ilong.


“JK?..” lumuwag ang pagkakahawak niya sa bisig ko at binatawan na ako.

Ipinatong niya sa noo niya yung braso niya at hirap na hirap siyang huminga. Agad naman akong tumakbo at binuksan yung bintana. At lumapit sa kanya para subuan siya ng konting lugaw.

Nung subuan ko siya, napakunot siya ng noo. “s-Sorry.” Nainitan ata siya.

Hinipan ko ito. Tapos nung isusubo ko sa kanya, nakatitig pala siya sakin. “h-Heto na..” hindi niya inaalis ang tingin niya sakin. Ngumuya man siya at sumubo. Nakakailang.


Nung matapos ko siyang pakainin agad din akong lumabas.


“Porridge?” nakita ko na lang si Lindon sa labas. At lumingon pa siya sa may pinto. “J… Hey! Is that.. his room?” nagsalubong ang kilay ni Lindon.

“You allow yourself to enter a guy’s bedroom?” parang siyang ewan.

“May sakit si JK..” sabi ko naman.

“What?”

Nagkausap naman kami ni Lindon. Tungkol sa nangyari kay Jk na hindi ko naman talaga alam ang dahilan kung bakit ito nagkasakit pero pakiramdam ko responsable ako dahil sa nangyari dun sa pag-uwi namin.  Kinuwento ko na lahat kay Lindon dahil wala rin namang mangyayari kung magtatago pa ako dahil alam naman na niya ang lahat.

“At isa pa.. yung tungkol nga pala kay Ven..” tinaasan niya ako ng kilay.

Lumagpas pa yung tingin niya sakin. Sa likod ko ata. “..sila na ni Vic.”

Hindi agad siya nagsalita. Siguro nagtatampo. “Balak naman sabihin ni Ven sayo yun, nagkataon lang na nauna ako. Pero alam mo okay lang naman yun diba, after all palagi siyang kinukulit ni Vic..” pero parang sinasabi ko rin na okay lang din kami ni Harris dahil simula pa noon kinukulit na ako ng tao.

Tumingin naman si Lindon sakin, “Pero hindi ko sinasabi na—“



*BOOGSH*


Bigla na lang kaming may narinig na kalampagan ng pinggan o kung ano. Wala naman akong naalala na may pusa sa bahay—

“Si JK ba yun?” nagkibit balikat lang siya. “Lindon!” agad akong tumayo at pinuntahan si JK. Nakita ko na lang si JK na nakaupo at inaayos yung mga nalaglag niyang pinggan buti na lang stainless yun.

“JK!” agad akong lumapit sa kanya. Tumingin lang siya sakin. Agad kong inagaw ang hawak niya at hinayaan lang yun. Tinayo ko siya at halatang nanlalambot talaga siya.

Hinawakan ko ang leeg at noo niya, “Hindi ka pa okay ano ka ba!”

“Gusto ko kasi ng malamig na tubig..” nahihirapan siyang magsalita.

“Sandali.” Agad akong kumuha ng malamig na tubig at pinainom sa kanya. “Ako ng bahala sa lahat, ok. Babalik-balikan naman kita e.” inalalayan ko naman siya pabalik. Nakasalubong naman namin si Lindon.. nandito pa nga pala siya.

“Need help?”

“Lindon, pwede bang saka na lang tayo mag-usap. Alam mo kasi..” tinutukoy ko si JK. Nakiusap naman ako kay Lindon sa tingin.

“K fine!” tumalikod siya. “But I think.. mas madami akong maitutulong. You know, I’m a guy—“ tiningnan ko siya ng nagmamakaawa. Tapos inirapan niya ako. “HMMF!” at umalis na siya.


Dinala ko si JK sa kwarto niya at pinahiga siya. Inayos ko yung kwarto niya para maging komportable siya, pinapanood naman niya ako.


“Magluluto lang ako ng sopas para may mahigop kang mainit na sabaw.” Ipinikit ko yung mga mata niya. “For the mean time, please magpahinga ka na muna.” Umalis naman ako.


Inabot ako ng mahigit 30 minutes pagluluto. Hindi naman ganon kaespeyal ang niluto ko. sapat na para may mahigop siyang sabaw. Pabalik balik ako sa kwarto niya para tingnan siya at para na rin ihanda yung mga pwede niyang kailanganin.


“JK..” tinawag ko siya. mahina lang yung boses. Agad naman niyang minulat ang mata niya at hinanap kung nasaan ako. Mas lumapit ako sa kanya para alalayan siya. Nahirapan siyang bumangon kaya inalalayan ko na rin yung katawan niya.

Nung tingnan ko naman siya, nasa baba ang tingin niya. Pagtingin ko sa tinitingnan niya agad naman siyang umiwas ng tingin.

Inayos ko yung soot ko. naka-v-neck nga pala ako. sana lang wala siyang nakita..

“h-Heto.” Nagwalang malisya na lang ako. lumingon naman siya pero hindi pa rin tumitingin. Nahihiya rin siguro siya. Hindi naman niya sinasadya diba.

Nakakailang subo pa lang siya.

Hinawakan ko naman yung noo niya. Hindi na ganon kainit. Pero mainit pa rin. Pero atleast diba. Ngumiti na lang ako. Nagtama naman ang mga tingin namin.


“Kumain ka na ba?”

“Ahh..” hinipan ko yung sopas sa kutsara. “Mamaya na lang..” nakangiti kong sabi tapos inabot sa kanya yung pagkain.

Nabigla ako nung bigla niyang hawakan ang kamay ko. Umiling ako, “Pagkain mo ito, ano ka ba. Kakain naman ako e.” binaba niya yung kutsara sa bowl. Hinawakan ako sa balikat at—




Hinalikan.




Madali lang na naglapat ang mga labi namin.


Yung mapupulang pisngi at ilong ni JK hindi ata maikukumpara sa pamumula ng mukha ko. dahil sa sobrang init na naramdaman ko. Nabigla ako. At hindi ko alam ang irereact ko.



“I really like you.” Ang tamlay ng boses niya pero maliwanag kong narinig ang mga katagang yun.
HTML Comment Box is loading comments...