1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Friday, June 7, 2013

Chapter 11

“s-Sorry—“ sabi niya at agad kaming lumayo sa isa’t isa.


Limang segundong walang nagsasalita.

“Hindi normal diba.. kung maghahawak kamay ang magkapatid?” napahawak ako ng mahigpit sa kamay ko. Hindi ko alam ang sagot. Depende diba?

“Normal din ba na ibili mo ng mga gamit.. ang kapatid mo na hindi mo naman kadugo?”

“Eh ang mailang sa sarili mong Kuya, normal ba yun?” siya naman ang nagtanong. Naiinis na ako. Nagpapalitan lang naman kami ng tanong e.

“Eh yung isikreto mo sakin yung tungkol sa nag-sponsor sa scholarship ko. Normal bang isikreto mo yun sa kapatid mo!” napapataas na ako ng boses.


Pero parang naiinis na din siya.

“Eh yung hindi mo pagpansin sakin! Normal ba yun? kahit wala akong ginagawa—“



“Dahil nakita ko kayo ni Pricilla na magkasama—“ napatakip ako ng bibig.

Bakit lumabas sa bibig ko ang tungkol sa bagay na yun? Sa sobrang takot ko agad akong tumayo—pero bigla naman niyang nahigit ang kamay ko.

“Nakita mo kami ni Pricilla?” hindi ko alam ang isasagot ko.

Isa.. dalwa.. tatlo..


Agad kong kinalas ang pagkakahawak niya sakin at agad akong tumakbo.


“Oy Genevieve.” Agad kong kinuha yung bike ko at agad akong umalis dun.

Gusto ko lang makatakas sa awkward situation na yun. masyado akong nadala ng sitwasyon baka madulas na ako at masabi ko pa sa kanya ang tungkol sa totoo kong nararamdaman noon para sa kanya. Walang alam si JK sa feelings ko. at ayokong malaman niya dahil magkapatid na kami—


“GENEVIEVE BRIOSO!!”  narinig ko yung boses ni JK.

Napansin ko na lang na katabi ko na siya. “Itigil mo yan!” sa inis ko. Binagalan ko yung takbo ng bike ko at iniba ko yung direksyon ko.

Takbo ako ng takbo kay JK. Pero sa huli wala rin naman akong kawala.



“Hahahah talo ka!” lumabas kami ng mini stop at nilibre ko siya ng ice cream.

“Genie?” lumingon naman ako sa tumawag sakin.

“VEN!!”

Nag-usap naman kami ni Ven tungkol sa mga bagay bagay. Tungkol sa studies namin. At nabanggit niya rin ang tungkol sa kanila ni Vic. Sila na pala. Wala pa daw alam si London tungkol dito at siguradong magtatampururot yun pagnalaman niya. Tutol din kasi si London kay Vic sigurado war na naman ito.


“Eh iyan?” nginusuan naman niya si JK na kasalukuyang nagmumuni muni dun sa labas. Nandito kasi kami sa loob ng mini stop.

“Ahh. Wala kasi kaming pasok ngayon kaya umuwi kami ni JK.”

“Sa bahay ninyo. How come? I mean, ganon na ba kayo kaclose?”  ako din e hindi ko rin alam Venny. Kung alam mo lang madami rin akong tanong.

“Mabuti na lang pala hindi sumama si Lindon. Dahil sigurado.. magagalit yun pagnalaman niya na kasama mo si JK.” Nagtawanan naman kami.


Mga 30 minutes din pagkatapos umuwi na si Ven. Pinagtatawanan ko nga si JK. Dahil naghintay siya samin ng isang oras ng hindi man lang nagrereklamo. Pero talaga pa lang may tyaga siya.


Inabot na kami ng dilim sa paggagala. Imbis na magpahinga kami ganito pa ang ginawa namin. Pagkatapos, pinagod pa lalo namin ang sarili namin. Pero okay lang nag-enjoy naman kami.


“Ibinili kita ng mga damit kasi masyado kang plain.” Out of the blue yung bigla niyang pag-imik.

“hah?”

“Hindi kita binabago. Pero minsan kasi, mas maganda ang naidudulot ng pagbabago.” Siguro sinasagot lang niya yung mga kanina kong tanong.

“Hindi naman ako naiilang sayo.” Naramdaman ko ang mga tingin niya sakin. Parang naiilang naman ako sa pagsisinungalin ko. “Oo na nga, naiilang ako sayo. Kasi naman..” may gusto ako sayo noon. Alangan sabihin ko yun sa kanya.

“Yung situation natin noon diba? Bakit ba kasi napakacold mo sakin noon—“

“Hep hep! Hindi pa nga nasasagutan yung mga tanong kanina dinagdagan pa ng isa pang tanong.” Nagpout naman ako. At sabay kaming nagngitian sa isa’t isa.

“Hiniling ko sa mom ko ang pag-sponsor sa scholarship mo. Alam ko kasi kung gaano mo kagusto pumasok sa school na yun. Nung marinig ko na hindi matutuloy yung nauna mong scholarship, binaba ko na yung pride ko at ako na mismo ang lumapit sa mom ko. Nakatulong din yun para mas mapalapit ako sa kanya. Alam mo naman ang situation namin diba.”


Bigla tuloy naging seryoso yung usapan namin. Si JK kasi.. yung mga magulang niya. Hindi sila kasal. Hindi nakagisnan ni JK ang mama niya ng maaga. Iniwan kasi sila nito nung bata pa lang siya. Ang pagkakakwento sakin ni mama. Nabuntis daw ng papa ni JK ang kanyang mama, wala naman daw kasing feelings ang mama niya para sa kanyang papa. Kaya malaki ang naging pagkamuhi ni JK dito. Sa ginawa nitong pagbalewala sa kanila.


Hindi ko tuloy alam kung dapat ko  pang ipasok sa usapan namin yung tungkol kay Pricilla.

Tumingin naman siya sakin. Hinihintay niya akong magsalita.


“Nakita ko si Pricilla.. nung minsang.. umuwi ka ng gabing gabi na.” napatigil siya nung sabihin ko yun. Mukhang.. may hindi dapat ako malaman.

“Tara na baka gabihin pa tayo lalo.” Nauna akong maglakad. Pero hindi siya sumunod. Nung lingunin ko siya.. ang lungkot ng mukha niya.

“Si Pricilla—“


“Ah! May nagtext sakin.  Mukhang si mama na ito. Bilisan na natin.” Hindi dahil iniiwasan ko ang tungkol sa kanila. Ayoko lang talaga na makarinig pa ng kahit na anong kasinungalingan .


Kung magkakabalikan sila, okay lang naman.


From:”London
Sis, you better be my girlfriend na talaga. Ayoketch na talaga..


Wala ako sa mood makipagtext kay Lindon. Pero kung hindi ko naman itetext si Lindon mawawalan naman ako ng dahilan iwasan si JK.

Mabuti na lang din hindi kami nagkameron ni JK ng oras sa isa’t isa. Binigay ko kasi kay mama yung mga natitirang oras ko dahil bukas maaga din kaming aalis. At mabuti na lang nakisama siya. Hindi na niya nabanggit ang tungkol sa usapan namin kagabi. Kahit sa byahe. Tahimik lang kami, medyo awkward pero pinanatili ko na magiging komportable kami sa isa’t isa. Wala naman talaga siyang alam tungkol samin ni Pricilla.

Diretso si Jk sa bahay, habang dumiretso naman ako sa restaurant. Kaya naman siya na lang ang nagdala ng gamit ko pauwi.

Sobrang busy sa resto nung araw na yun. Kaya wala ring oras para magpahinga. Kahit gusto ko mang balitaan kung okay lang ba si JK o nakapagpahinga ba siya ng maayos. Natapos yung araw na wala akong narinig tungkol sa kanya. Hanggang sa pag-uwi namin ni Tita, narinig na lang namin kay Ronald na wala ito.

Hindi ko na nagawang magtanong kung nasaan si JK o kung ano bang meron. May sarili siyang buhay, hindi ko naman kailangan magtanong at mangialam palagi.



*ACHOO*

“Mukhang nagtagal kayo dun a?”
“Okay ka lang ba? Nakinig ka ba ng maayos?”
“Tandaan mo lahat ng mga sinasabi sainyo. Isang taon na lang gagraduate ka na, diretso ka dun.”

Narinig kong parang may kausap si Tita sa may kusina kaya nacurious ako at dun agad ako dumiretso. Five o’clock pa lang kasi.


“Jk. Tita?” tumingin sila parehas sakin. Pero mas naagaw ang atensyon ko sa itsura ni JK. Ang pula ng pisngi niya pati ilong. “May sakit ka ba JK?” kinuha niya yung ice bag at dire-diretso siyang umalis ng kusina.

Hindi niya ako pinansin. Mukhang seryoso nga na may sakit siya. After all, mukha talaga siyang matamlay. Kakayanin niya kaya.

“Kumain ka na.”

“Opo.” Kumuha naman ako ng dalwang pinggan para saming dalwa ni Tita.

“Hindi ka pupuntang restaurant. Bantayan mo si JK. masyado ka ring pagod gawa kahapon.” Umiling naman ako.

“Okay lang ho ako. nakapagpahinga naman ho ako ng maayos. At yung tungkol naman po kay JK..” bigla akong napaisip. Okay lang ba talaga na hayaan ko si JK?  Ang alam ko  nawawala siya sa sarili kapag may sakit siya. Hinang hina siya at hindi makagalaw ng maayos.

Sigurado na kailangan nga niya ng magbabantay sa kanya..


“Kaya nga dito ka na muna. Bantayan mo ang batang yun. Siguradong.. kailangan ka niya.” tumango naman ako.
HTML Comment Box is loading comments...