“AH!” muntik ng mahulog yung mga libro. Sa sobrang dami.
‘Genie, pwede bang
ikaw na lang magpaprint ng mga ito. Kailangan ko kasing humabol sa klase.
Matataas naman grades mo sa mga naging huling exams diba? Pakitulad na rin ng
sayo nung ipapaprint mo samin’
Napabuntong hininga ako. Hindi ko na maintindihan kung yung
mga classmates ko ay nagiging nice lang ba o baka nagbubulag-bulagan lang ako
at baka inuuto na nila ako ng di oras.
Sigh.
Natigil naman ako sa pag-iisip nung makita ko si JK di
kalayuan. Agad akong yumuko at nagmadaling maglakad. Nagwalang malisya na lang
ako na parang walang nakita.
“AH!?” nabigla ako nung may biglang tumabi sakin. Si London.
“Muntik na akong maunahan ng Kennley’ng yun a! Kala niya.
May I help you.” Tapos inagaw niya sakin yung libro. Napangiti naman ako nung
tinulungan ako ni London sa pagpapaprint.
Nung lunchbreak napansin ko na naman na wala si Harris sa
paligid namin. Nasa cafeteria kami kumakain ni London. Ilang araw ko ng hindi
nakikita si Harris.
“Alam mo ba, popular ka na teh!” nagtaka naman ako sa sinabi
niya at medyo natawa na rin. “No joke!”
“Hah? Paano? Eh hindi ko pa nga natatapos yung special
project ko.” sumubo naman ako.
“Special project? Bakit! Talaga bang nabubully ka sa klase
mo—“ nabigla ako sa sinabi niya pero mas nagulat siya.
“Anong bully? Anong sinasabi mo Lindon??” pinilit ko naman
siyang magsalita. Pero umiiwas siya. kinalog kalog ko pa yung kamay niya.
“So ano nga.. ni-paint ka pala ni Harris dun sa pader. Este
yung image mo! ayun tuloy pinagkakaguluhan dun sa kabilang department. Nandun
kasi yung pader e.” iniba niya yung usapan. Iniiwasan pa rin niya yung mga mata
ko.
“Talaga?..” hinayaan ko na lang. “Ang ganda diba?” agad
siyang tumingin.
“I can’t believe na may talent pala ang mukhang paa’ng yun!”
nagtawanan kami. “So ayun nga.. nag-aaral na siya ngayon.” nabigla ako sa
sinabi niya.
“Oo. Kaya wag mo na siyang hanapin dahil this past few days,
busy siya sa paghahabol. Scholar na siya. Naniwala kasi ang dean ng
department kay Harris. Ka-department natin siya. Pero hindi mo siya malimit
makikita dahil busy nga siya. Fine arts ang kinukuha niya.” tangong tango ako
habang nakikinig. At hangang hanga na rin para kay Harris.
“So what’s with this Special Project mo?”
“Uhh.. secret na muna sa ngayon.” sabi ko sa kanya at
nginitian siya ng pinakamasaya kong mga ngiti.
Nung may konting oras pa ako. Naisip ko na daanan si Harris
sa classroom niya. at nakita ko kung gaano siya kapursigido matuto at mag-aral.
Proud ako kay Harris. Hindi ko kasi talaga inaakala ito sa kanya. Napakakolokoy niya
noong highschool kami puro gulo lang pinapasukan niya. Kahit na anong bagay
hindi niya magawa ng tama. I also believed that he’s an untelligent person. At
gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil ako mismo na isa sa mga taong
pinagkakatiwalaan niya ay nakita ang personality na yun..
Bago ako umuwi, dumaan na muna ako sa mall. Namili ako ng
mga damit ko. Binigyan ako ng sapat na pera ni mama. Kahit na hindi ko naman
talaga kailangan bumili. Pero sa tuwing maaalala ko na binili ni JK ang mga
damit kong ito dahil nag-aalala siya kaya ginagawa ko na rin. Sigurado talaga
ako na may gustong mangyari si JK kaya niya ginagawa ang mga ito sakin. Hindi lang sa dahil gusto niyang baguhin ang image ko.
Umuwi ako, at nakita ko si JK na tulog sa salas habang bukas
pa yung tv. Hindi ko na muna siya ginising at umakyat na muna ako sa kwarto.
Nagbihis ako pagkatapos bumaba na rin dala ang laptop at iba kong mga gamit.
Dumiretso akong kusina at naghanda ng pagkain ko.
“Nakauwi ka na pala?” narinigko yung boses niya pero hindi
ako tumingin. Tumango na lang ako.
“Busy’ng busy ka ata dyan. Siguro.. story mo na naman yan
no—“ naramdaman ko na lang na lumapit siya sa may balikat ko. Bigla akong
nagpanic at muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko.
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko. Nagkatitigan
kami habang ganon pa rin ang posisyon namin.
“Oh kumakain pa pala kayo—“ agad naman kaming umayos nung
dumating si Tita. “Anong problema? Parang kayong nakakita dyan ng multo a.”
Yumuko ako at binati si Tita. Kumuha ako ng pinggan para
ipaghanda rin si Tita. Lumapit din naman si JK sakin. At nung kumuha ako ng
kutsara at tinidor, nagkasabay kami at nagkahawakan ng kamay.
Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa mga kamay namin.
Agad akong umalis at lumapit kay tita.
“Tita, kain na rin po kayo.” Huminga ako ng malalim at
bumalik sa upuan ko.
“Mukhang busy ka hija.”
“Ahh opo. May special project po kasi ako.”
“Special project? Bakit daw?” yung reaction ni JK parang
lang yung reaction ni Lindon kanina.
Hindi ako makasagot sa tanong niya. Sikreto lang kasi yun sa
pagitan namin ng professor ko.
“Yaan mo na hijo, pampataas din yun ng grades. Tama ba,
hija?”
“Opo.” Ngumiti ako bahagya at tinuloy yung ginagawa ko.
“Yung pagkain mo..” sabi naman ni JK. Sumubo naman ako.
Gada sa tuwing hindi ako ngumunguya palaging pinapaalala ni JK sakin yung pagkain
ko. Gusto ko ngang pagsabihan. Kaso nanonood si Tita samin. Tapos nginingitian
pa niya kami ng nakakaloko.
“Haha. Onga pala Genie hija, wala kang pasok bukas diba? So
dun ka sa mama mo pansamantala?”
“Ah opo! Babalik po ako ng mga 5am. Diretso na po akong
restaurant.” Tinigil ko na muna yung pagtatype ko.
“Ikamusta mo ako sa mama mo.” ngumiti naman ako.
“Pwede bang..” nagsalita naman si JK. Napatingin naman kami
ni Tita parehas. “Ano.. Tita. Pwede ba akong sumama kay Genie?” muntik na akong
masamid ng sarili kong laway.
“b-bakit?” hindi niya ako pinapansin at hinihintay niya ang
sagot ni Tita. Bakit naman niya naisip na sumama sakin. Mga dalwang taon na rin siyang hindi umuuwi.
“Dapat nga siguro. 5 buwan ka na ring hindi nagpapakita dyan
sa step mom mo.” napakunot ako ng noo at nagtataka sa mga sinabi nila.
“Limang buwan??” hinila ko ang braso ni JK.
“Sige po Tita! Dadalhan ko pa kayo ng mga pasalubong pag-uwi!”
Bakit wala akong naiintindihan sa mga nangyayari!!
Nung matapos kaming kumain at matapos akong maghugas. Agad
kong kinulit si JK. Pero ako naman itong hindi niya pinapansin. Nandito kami sa
may duyan, tapos nakaearphone siya at hindi man lang ako pinapansin. Hindi niya
ako pansinin kahit anong gawin ko. Hindi naman siya mukhang galit. Pero mas
nakakatakot pagganyan si JK.. kaya tumigil na lang ako.
Maaga kaming umalis ni JK. Mga madaling araw din yun. Katext
ko pa si London.
From:”London
I bet I should go.. Or maybe.. I should act like I am sick?
Natawa ako sa mga text ni London. Kaya kasi ayaw niyang
umuwi dahil din sa father niya. Ayaw niyang makita ito. Nagkagalit kasi sila
dahil nalaman ng papa niya yung tungkol sa pagiging gay niya. Nag-explain siya
paulit ulit na hindi naman siya totally gay pero hindi naniwala ang papa niya.
kaya niba-blind date siya nito kung kani-kaninong babae. Hangga’t hindi daw
siya nagkakagirlfriend ng matino hindi daw ito maniniwala.
To:”London
Haha. Maggirlfriend ka
na lang kasi para matapos na.
Sa sobra kong pag-eenjoy kakatext dito kay Lindon. Hindi ko
na tuloy napapansin na magkatampuhan nga pala kami ni JK. Buti pa ito natitiis
ako na hindi kausapin. Hindi pa naman ako mapakali na may kaaway. Tuwing titingnan
ko kasi siya palagi siyang umiiwas.
Nung matapos yung byahe namin, nag-cr na muna ako.
Pinahibilin ko kay JK yung cellphone ko habang naghihintay siya sakin. sabi ko
kasi hintayin niya ang text ni mama.
From:”London
Can you be my
girlfriend?
“Ah. Nagtext na ba si mama?” agad naman akong lumapit sa
kanya.
“May nagtext.” Excited ko namang kinuha yung cellphone ko at
pagkatanggap ko ng cellphone ko.
Kinilabutan ako sa nabasa ko. at pagtingin ko kay JK..
parang siyang nabadtrip.
“Nandyan na daw yung sundo natin.” Nanguna siyang umalis at
hindi ako hinintay.
Nakarating kami sa bahay. Ang daming tao sa bahay namin, mga
sinalubong kami. Halos lahat kasi dito
sa kapitbahay namin medyo kaclose ko. Niyakap ko si mama ng mahigpit at sobrang
tagal sapat na para mabayaran ko yung isang linggong pagkakawala ko.
Nakipagkwentuhan ako dun sa mga matatanda at nakipagkulitan
dun sa mga bata. Daig ko pa ang nag-abroad sa mainit nilang pagwelcome sakin.
At nung umalis naman sila.. nakita ko sila mama at si JK na
nag-uusap ng seyoso. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. At nung matapos
silang mag-usap, bigla siyang niyakap ni mama. Ngayon ko lang nakita si mama ng
ganon. Ang lungkot nilang tingnan at the same time masaya.
“OY!” lumingon ako sa likod ko. Nakita ko si JK na
nagmamadaling magbike. Sinusundan niya ata ako.
Agad naman akong sumakay sa bike ko at nagmadali ding nagpatakbo. Ayokong magpaabot sa kanya. Ayoko siyang makita at makausap na
muna.
Pero sa huli naabutan pa rin niya ako at umistambay na muna
kami dun sa tabing ilog.
“Ang daya mo talaga no. Pagkatapos mo akong i-OP kasama nung
mga kamag-anak mo. Iiwan mo naman ako at maggagala kang mag-isa. Namiss ko kaya
ang bayan na’to.”
”Pero pumunta ka naman dito 5 months ago diba.” Seryoso
kong sabi. Nakatingin lang ako dun sa daloy ng tubig sa ilog.
Naramdaman ko na tumabi si JK sakin.
“May nanliligaw na nga sayo. Hindi mo pa sinasabi sakin—“
Napatingin kami sa isa’t isa nung maglapat ang mga kamay
namin na kasalukuyan nasa gitna naming dalwa.