“Welcome!!”
Nagtaka naman ako na makita siyang papasok dito sa restaurant
ni Tita.
“Hi.” Panandalian siyang tumingin sakin at nilagpasan din
naman agad ako.
Tuwing weekends kasi magtatrabaho ako dito sa restaurant ni
Tita paraan ko na rin para makabayad sa paninirahan ko sa bahay. At kanina nga nagpaalam ako kay JK. Sabi rin
niya na aalis siya pero hindi ko alam na dito rin pala siya pupunta.
“For Table 13.” Kumalampag yung bell. Agad naman akong
lumapit dun at kinuha yung oder at binigay sa table number 13.
“What’s your oder mam and sir?”
Sobrang busy sa restaurant dahil siguro wala ngang pasok.
Pero napansin ko lang na buong araw lang na nandun si JK. Ni hindi siya umaalis
sa table niya. Minsan nga tumutulong siya sa pagdadala ng mga orders pero hindi
talaga siya actually nagtatrabaho. Hindi naman niya kailangan yun dahil
sustento pa rin siya ng tunay niyang ina.
Nung matapos rin akong magtrabaho niyaya naman niya akong
magmall.
“Sir. Heto po maganda rin.”
Nginitian naman niya yung saleslady.
“Para po ba sa kanya sir?” tumingin sila sakin.
“h-Hindi!” iling na iling kong sabi. Ngiting ngiti naman si
Jk.
Hindi ko alam kung bakit niya ako sinama sa pagmomall at
bakit puro damit pambabae ang tinitingnan niya. Tinatanong niya ako kung
maganda. Tapos kapag tatanungin ko siya nginingitian lang niya ako. Weirdo.
Hanggang sa napagod din siya at nagkayayaan na kaming
kumain. Sa may foodcourt lang kami kumain. Libre pa niya ako.
“Anong gusto mo? Mustard o ketchup?” kinuha ko yung ketchup.
Nung matapos kong lagyan bigla niyang inagaw sakin yung footlong ko.
Hinati niya ito. Pati na yung kanya tapos pinag-exchange
niya yung kalhati. Magkaiba kami ng flavor ng hotdog pati rin ng sauce. Pero sa
totoo lang tuwang tuwa ako sa ginawa niya.
I’ve never thought this thing can really happen in real life.
Feeling ko tuloy close na close na kami. Hindi niya pa kasi nagagawa sakin ito
noon. Kahit nga yung simpleng pagngiti man lang tinitipid niya noon. Pero
ngayon talaga iba na.
Mas masaya pala yung ganito. As step-brother and sister, of
course.
Hindi ko naman syempre nakakalimutan ikwento kay mama ang
mga nangyayari sakin. Miss na miss ko na rin kasi si mama.
“Genie!”
“Harris?” ngiting ngiti siya habang nagkakamot ng ulo.
“You’re here?” hindi niya pinansin si London at nakatingin
pa rin siya sakin. Hindi na nga naalis ang mga tingin niya sakin pati yung mga
ngiti niya.
Medyo tinulak siya ni London. Nagcrossed arms siya at
tinaasan ng kilay si Harris, “Oh my. Will you stop that. So gross. Medyo obvious
ka naman no.”
Tiningnan siya panandalian ni Harris pero tumingin ulit
sakin.
“Sabay ulit tayong maglunch a. Ah! Ako na ang bibili ng
lunch natin! Dun ulit sa dating tambayan.” Binulong pa niya yung huli niyang
sinabi.
“Hah! As if! May something? Asa ka boy!” tinulak ulit siya
ni London but this time mas malakas. Muntik pa ngang mapaupo si Harris.
Aalalayan ko sana kaso agad din siyang lumapit kay London.
Hindi ko alam kung anong ginawa niya pero bumalik ulit siya sakin.
“Ang dami talagang asungot sa paligid. Pero yaan na.. gusto
ko lang ng goodvibes. At ikaw yun.. baby!” hinawakan niya ako sa may baba ko
tapos kinindatan. Ang weird! Pero natawa na lang ako.
“Sige bye bye MY HIME!”
“Hah! Problema nun. Nasiraan na ata ng bait! Pero
akalain mo may alam siyang ibang language. Pagdating talaga sayo
nagiging siraulo siya.” napatingin
naman ako kay London at talagang badtrip na badtrip siya sa nangyari.
Ilang beses akong sinabihan ni London na sabay kaming
maglunch. Na kahit na ano raw mangyari
maghihintayan kami sa isa’t isa. Lalo kasi siyang nabadtrip nung malaman
niya na dito nagtatrabaho si Harris. At mas nainis siya na malaman na sabay
kaming naglalunch. Galit na galit talaga siya.
Hindi ko na maalala kung kailan nagkameron ng alitan sa
pagitan nila. Pero never naman nagkabuhatan sila ng kamay sa isa’t isa. Hmm..
friendly battle lang naman siguro
ang meron sa kanila. Kilala ko naman
kasi si London.
Masyado namang naging busy sa klase dahil nga sa project
namin sa autobiographical writing. Mabuti na lang nakakahabol ako. nung
kalagitnaan pa ng klase namin. Nagtext si JK.
From:”JK
Tara magpagupit. After dismissal. :)
Sa totoo lang natutuwa talaga ako sa changes na nangyayari
sa pagitan namin ni JK. Kanina rin kasi sabay kaming pumasok. Simula ng tumira
ako sa bahay ni tita mas lalo siyang naging mabait sakin. At the same time
sweet niya rin. Sana lang talaga ganito na lang kami.
“Genie my hime!~”
hinarangan ako ni London habang papalapit samin si Harris. May dala dala
nga siyang pagkain. Nakacrossed arms na naman siya habang tinataasan ng kilay
si Harris. Ang taray talaga.
“Hi bestfriend!”
“Bestfriend your face. Let’s so my Genie!” hinawakan ni
London ang kamay ko at pumunta kami sa table namin.
Yes! Makakaupo na rin talaga ako sa table ng cafeteria.
“My hime. Here’s your food. Pinagpagawa talaga kita hah.”
Magpapasalamat sana ako kay Harris--
“Genie, eat this. You’ll never know kung saang lupalok nakuha
ng korkorantum na yan yang pagkain. And take note, bagong luto this.”
Nagkatinginan sila at parang may kung anong kuryente ang
namamagitan sa kanila. Mukhang nag-aaway sila sa tingin.
“k-Kukuha lang ako ng maiinom natin—“
“Ako na Genie!!” sabay pa nilang sabi.
Pero syempre hindi ko sila hinayaan. Ayoko naman na mas
madadagdagaan ang init ng ulo ni London. Atsaka mas mabuting iniwan ko sila sa
table para mag-usap sila sa hindi nila pagkakaunawaan.
Sigh.
“Ge—“
“Ah!” ang gulat ko nung may biglang lumapit sakin. Si JK.
“Sakto! Lunch mo?” parang biglang nag-init ang pisngi ko.
Hindi ko inaakala na makikita ko siya sa campus. Nung una nga nagulat din ako
na malaman na magkaschoolmate kami.
Tumango naman ako.
“JK!” may mga lumapit sa kanya. 2 lalaki.
“Sumabay ka na samin.” paanyaya ni JK sakin.
Bigla ata akong napakurap sa sinabi niya. Niyayaya ako ni JK
sa sumabay sa kanila maglunch??
“Let’s—“
“Genie.” Nakita ko si London sa likod nila.
Magkasalubong ang kilay niya na lumapit sakin. “Ako na ang
bbiili sa drinks natin—“ napatigil siya sa pagsasalita ng makita si JK.
Binati naman siya ni JK.
“May kasama ka pala. So.. mamaya na lang.” sinundan ko pa
rin ng tingin si JK. Tapos lumingon ulit siya samin at kumaway ako.
Hindi ko matanggal ang mga ngiti sa labi ko. Sobrang saya
ko.
“Dito rin siya pumapasok?” bigla namang natanong ni Lindon.