“Ano bang nangyayari?!” sinubukan kong punasan ang sarili ko ng
sarili kong panyo. Kaso wala ding kwenta nabasa din ang panyo ko.
Nandito na kami ni JK sa bahay. On the way na siya pauwi nung makita niya akong tatakbo sa ulanan. Nakakahiya..
“Ah—“ nabigla naman ako nung bigla niyang ipatong sa ulo ko yung tuwalya.
Siya na rin mismo yung nagpunas sa basa kong buhok.
“Baka magkasakit ka.” Parang akong bata na pinupunasan ni JK. Sobrang close niya.
Napayuko ako. “Ako na.” inalis ko yung kamay niya.
Nagring naman bigla yung phone ko. agad kong sinagot.
“l-London?”
“Genie!
What happened? Why aren’t you answering my call? Did something
happened!? Nakauwi ka bang ligtas?” sunod sunod niyang tanong. Natawa
tuloy ako.
“Calm down. Nandito na ako sa bahay. At..” napalingon ako kay JK. Napalingon din siya sakin. “Okay naman ako.”
“I’ll make a soup.” Nabigla ako sa sinabi ni JK.
“Who’s there?” tanong naman ni London.
“h-Hah?” susundan ko sana si JK kaso kausap ko nga pala si London sa phone. “w-Wala. Dormate ko.?” palusot ko.
“Well anyways, I’m very sorry sis! Hindi ko na naman natupad ang pangako ko. Damn me!”
“SHH!!
Ano ka ba!” bigla akong nakarinig ng ingay sa mag kusina. “London! Saka
na lang tayo mag-usap. Bye!!” narinig ko pa na may sasabihin si London
kaso naend ko na yung call at agad din akong pumunta kay JK.
“Anong nangya—“ nakita kong nagkalat yung mga kaldero sa sahig.
“Uhh..” natawa ako bigla sa thought.
Lumapit ako sa kanya. Tinulungan ko naman siya sa pagliligpit. Bigla kong naalala.
“Sabi
ko na nga ba, ang weird nung sinabi mo na ipagluluto mo ako! Eh hindi
ka naman marunong magluto—HAHAHA” tumatawa kong sabi. Hindi ko na
napigilan ang sarili ko.
Dahil noon pa lang kasi hindi
naman talaga nagluluto si JK. Kaya siguro nabigla din ako nung sabihin
niyang ipagluluto niya ako ng soup.
“Kahit man lang yung
sabaw ng noodles diba. Nabasa ka kasi ng ulan. Atsaka—Magpalit ka na nga
ng damit mo!” tinulak naman niya ako. “Sige na. sige na!”
Nung
lingunin ko ulit siya. Napansin ko yung pagkunot ng mga kilay niya.
Seryoso nga talaga siya na ipagluluto niya ako ng soup—Haha este ng soup
ng noodles. Nakakatawa talaga. Ang cute kasi ni JK.
Pumunta
ako sa kwarto ko para magbihis. Kumuha ako ng mga damit—pero biglang
pumasok ulit sa isip ko ang nangyari. Just now, hindi ako nailang sa
kanya. Just now, nagawa kong tumawa sa harap niya. Nagawa ko ang mga
bagay na yun sa harap ni JK.
It's really possible pala na maging ganito kami sa isa’t isa. Maybe. Just maybe. Nakamove-on na talaga ako sa kanya.
Ang
tagal na panahon na rin kasi yun. Siguro nga.. panahon na para
tanggapin ko na magkapatid na kami ni Jk. Ganon na rin naman kasi ang
turing niya sakin.
“Heto na naman tayo.”
Pang-limang
araw ko na pero hindi pa rin ako masanay sanay. Na sa school na ito
wala talagang lugar ang kagaya ko. Syempre ano pa ba ang gagawin ko.
Kumain na naman sa cubicle ng cr.
“GENIE!!~”
Ang gulat ko nung may biglang humawak ng balikat ko sa may likod ko. Pagharap ko—
“Harris?”
Nandito
kami sa may bench ni Harris. Sinubukan din niyang maghanap ng table
para sakin pero in the end wala rin siyang nakita. Kaya dito na lang
kami kumain. Medyo malayo nga lang sa cafeteria.
“So..
magtatrabaho ka dito bilang isa sa mga custodian?” tanong ko ulit sa
kanya. Tangong tango siya habang soot ang mga malalaking ngiti na yun.
Ang saya saya niyang tingnan.
“Hindi ko na kasi mapilit
yung principal—este head nitong university. Kahit nga yung dean ng
department sana natin hindi ko rin mapakiusapan. Pero mabuti na lang
pinayagan nila ako magtrabaho para sa university. Ginawa ko lahat at
naging qualified naman ako!! HAHAHA!” at sa lagay na yan flattered pa
siya.
Ngumiti na lang ako. kasiyahan ni Harris yun e.
Bigla
naman niyang hinawakan ang mga kamay ko,”Gagawin ko ang lahat Genie
mapalapit lang ako sayo.” Kinindatan pa niya ako at humalaghak siya ng
malakas.
Napapatingin nga samin yung ibang mga nakaupo din sa mga bench malapit samin.
Madaming
kinwento si Harris sakin. Tungkol sa pagtigil niya sa pag-aaral dahil
sa pagbagsak niya sa entrance exam pati daw tinatamad na rin ang mga
magulang niya na pag-aralan siya . Kaya daw magtatrabaho na lang siya.
Tungkol kila Vic at Rex na kasalukuyang kaschoolmate ni Venny sa
pinapasukan niyang university. Madalas pa daw niyang nakikita si Venny
kaya pa daw siyang ikukwento sakin. Ang kulit nga niya. Madaldal pa rin
gaya ng dati.
Nung kasama ko si Harris naramdaman ko ulit yung
gaya ng dati. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko akalain na makakaramdam
pa ako ng ganito.. at nung kasama ko pa talaga si Harris. Parang bumalik
lang yung dati.
Hindi ko akalain na may mga magagandang bagay pa palang mangyayari sa kabila ng lahat.
“HAHAHAHA.”
At may mga masasama na nananatili naman.
“My goodness! What have you done—“
May mga nakatingin sakin at tumatawa sila sa bagay na hindi ko naman sinasadya.
“s-Sorry!
Hindi ko alam na may pagkain sa may.. upuan ko.” naupuan ko lang naman
ng di sinasadya yung pagkain niya na nakapatong sa may upuan ko. agad
kong nilinis yung kinalat ko.
“Oh! That was your chair? I
thought.. no one is sitting there.” Nagtawanan silang lahat. “But
anyways, just leave it. And next time please, tingnan mo yung inuupuan
mo. Here’s the tissue.” Nilagay niya sa table ko yung box ng tissue.
Kinuha ko naman ito.
May mga nakatingin pa rin sakin. Yung
iba.. parang nandidiri. May iba na naiinis sa nangyari. May mga
tumatawa. I feel like I’m a loser..
Agad naman akong nagwalk-out at pumunta ng cr. Nagkulong ako sa cubicle at sinubukang linisin yung pantalon ko na nadumihan.
“Sticky buns? Hah! Ang sarap pa naman nito..”
Dahil
sa nangyari mas lalo ko lang dinagdagan ang problema ko. Sana pala
hindi na lang ako pumunta sa cr. Hinayaan ko na lang na malagkit yung
pantalon. Hindi sana ako napag-initan ng professor ko. Tuloy solo lang
ako sa project na’to sa autobiographical writing namin.
Another big sigh.
“Genie?” napalingon naman ako sa tumawag sakin sa kalagitnaan ng paglalakad ko.
Kumaway
ako sa kanya at nginitian siya. Kasama ulit ni London yung dalwa nung
isang araw. Muntik pa siyang maiwan ng mga ito nung tumigil siya sa
paglalakad.
“Byebye!” sabi ko sa kanya at kinaway kaway ko ulit yung kamay ko. Nakatulala kasi siya sakin.
Bigla
naman siyang lumapit, “Bakit ganyan ang itsura mo?” tinutukoy niya yung
dumi sa may pantaloon ko. I guess mas lalong kumalat nung ginamitan ko
ng wet tissue.
“Uhh..—“
“Tulungan na kita—“
inagaw niya sakin yung mga libro na hawak ko. Naparusahan kasi ako kaya
ako yung magpaphoto copy ng lahat ng iyon.
“Lindon!” narinig ko pang tinawag siya nung mga kasama niya. Kaya agad kong inagaw yung mga libro ko.
“Sige
na! Tinatawag ka na ng mga kasama mo. Nice meeting you here in our
department! Oh diba.. nagkakasalubong na tayo.” Worried pa rin yung face
niya. “Uhmm.. ang careless ko kasi kaya nagkaganito. Kilala mo naman
ako diba..” I tried to convince him.
Hindi pa rin
nagbabago yung itsura niya. Tapos parang naiinip na rin yung mga kasama
niya. Kaya tinulak ko na si Lindon at agad na akong nagpaalam.
“I’ll text you na lang hah!”
Napayakap
ako ng mahigpit sa mga librong dala ko. Bigla akong nalungkot nung
makita ko si Lindon at yung worried face niya. Kung alam lang niya..
ayoko naman talaga na itago ang lahat ng ito sa kanya. Pero mas ayoko
naman na mag-alala siya.
“JK..” papalapit pa lang ako sa may xerox ng makita ko siya. Nagpapaphoto copy rin ata siya.
Nagpalitan kami ng mga ngiti.
“Anong nangyari dyan?” napansin niya rin yung nasa pantalon ko.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya at tumawa na lang ng papilit. Kung minamalas ka nga naman talaga oh.
“Ah?” bigla na lang may bumangga sakin kahit na nasa tabi naman ako. Paglingon ko yung mga kaklase ko.
“Sorry!” kumaway sila sakin habang nakangiti.
Sa tingin ko naman namimisunderstood ko lang sila.
“Bakit?” naramdaman ko na may inalis si JK sa may pantalon ko. Isang kapiraso ng papel at parang may nakasulat dito.
“Nitry ko lang kung kakapit. Haha. Mukhang.. malagkit yang nasa pantalon mo.”
Bigla parang sumabog yung mukha ko sa hiya. Ahhh nakakahiya talaga ito! Bakit kasi pinapansin pa niya.