1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, May 21, 2013

Chapter 5


“I’m very sorry talaga kahapon I didn’t make it to our camptour lesson!” natawa naman ako sa sinabi ni London. Nandito kami sa may bench malayo sa mga tao. Nilibre naman niya ako ng makakain para makabawi daw siya.



“But you know what, I have many chikas for you about what happened yesterday.” Pinisil pisil pa niya yung braso ko. Gay na gay siya sa pananalita.



Nagcrossed feet naman siya at uminom ng drinks.



Sumilip ako sa kanya. Parang bigla kasi siyang sumeryoso.





“Kamusta ka naman?” tinaasan ko siya ng kilay. “Kahapon.” Pagtataray niya. Natawa tuloy ako.



“Okay lang.” kakayanin ko naman kasi.



Narinig kong bumuntong hininga siya. Pero nung lumingon ulit ako sa kanya nakangiti naman siya.



“Well,” bigla niyang hinila ang braso ko paharap sa kanya. “I joined Modelling organization, yesterday. That’s why I was busy. But today, I’ll really make it up to you.  I mean our camptour lesson.” Nagholding hands kami. Tapos ngumiti na rin.



Naikwento rin sakin ni London ang mga nangyari sa klase niya. He’s taking up bachelor’s degree program in fashion design. Gusto kasi talagang maging model ni London. So pangarap din niyang maging fashion designer at syempre for men.

Excited na excited siya habang nagkukwento siya. Mukhang nag-eenjoy naman siya. Hindi ko na rin nabanggit yung tungkol sa mga nangyari sakin at yung tungkol na lang sa mga positive happenings ang nikwento ko. Masaya na ako na makita siyang nagkakaganyan.






Agad din naman akong pumunta sa sunod kong klase. Muntik na naman nga akong malate e. Naghanap naman ako ng mauupuan. At ganon pa rin. Nahihirapan pa rin akong makisama sa mga kaklase ko.



“Uhm ano paano daw ba..”



Wala akong matanungan. Wala akong makausap. Parang lahat sila ang busy busy pagdating sakin. Minsan tinitingnan ko ang sarili ko. Dahil siguro.. ibang iba ako sa kanila.



Minsan nga nag-cr ako sa department namin. Narinig ko na pinagbubulungan nila ako.



Kesyo ang baduy daw ng soot ko. Kesyo nakakairita daw kasi ako. Nag-eenglish sila. Minsan pa iba ang language. Pero alam mo naman yung sarcastic diba. Feeling ko talaga hindi ko na kakayanin.



SIGH.



Napasubsob ako sa keyboard ng laptop ko. In the end, hindi ko rin magawang magconcentrate.

Nung bigla namang tumawag si mama sakin. At saka ko narealize kailangan ko talagang lumaban. Eh ano kung ayaw nila sakin? Eh ano kung naiiba ako at baduy ang pananamit ko. Mga nakamini skirt sila at nakahigh high heels. Habang ako heto nakasneakers lang at pantalon. Nakamake-up sila at palaging presentable. Pero.. hindi ba’t pare-parehas lang naman kaming mga estudyante. Hindi naman talaga kasi nasusukat ang pagiging edukado sa panlabas na anyo. Kakayanin ko ito. Hindi ko naman talaga kailangan makibagay. Bilang estudyante, talino ata ang armas ko.



SIGH.



Another Day. Ganon pa rin. At sa tuwing magbibreak time at walang Lindon, kailangan kumain ako na mag-isa. Sa sobrang dami ng tao. Hindi ko alam kung kanino ako pwedeng makishare ng table. Kasasabi ko lang kagabi na hindi ko kailangan makibagay. Pero ang hirap hirap talaga.



“Uhm may nakaupo ba—“



“Halika kayo, guys!!” okay may kasama siya.



“Pwede ba akong makisha—“ hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Ang sama niyang makatingin.



Nilibot ko na ang buong cafeteria. At hinintay ang iba na matapos. Pero sa huli naisip ko na lang na kumain sa may cr. Sa loob ng cubicle. Daig ko pa ang binubully.



SIGH.





*poke*



“AH!” ang gulat ko nung may biglang nagpoke ng pisngi ko. Paglingon ko si London.



Agad naman akong ngumiti at binati siya.



“Anik ba yan! What the chuvaness was that?” tumabi siya sakin. Nakakunot yung noo niya. tinutukoy niya siguro yung pagbuntong hininga ko.



Tumawa naman ako, “Don’t tell me, you’re worried. Hahaha! Wala yun! Ang dami lang kasing paper works. Alam mo na.. writer e! Magiging journalist na nga rin e! Ha-Ha-Ha-Ha!” ayokong mag-alala siya.



And it works! Mabuti naman na naniwala siya.





“I’ve missed you girl.” Lalong lumaki ang mga ngiti ko.



“Bakit ganon! We’re on the same department naman pero we rarely see each other. Kung hindi pa kita hahanapin, hindi pa kita makikita.” He pout. Ang cute talaga nitong bestfriend ko! Mabuti na lang, I have him.



“Lindon!!” may isang lalaki at isang babae na tumawag sa kanya. Ngiting ngiti ang mga ito habang kumakaway sa kanya. Tiningnan lang sila ni London ng masama.



“Istorbo!~” bulong niya habang nakangusos.



“Punta ka na  sa kanila.” He rolled his eyes.



“By the way, mga clasmarurut ko sila. Ang kukulit kasi nila that’s why they keep hanging out with me. Hindi ko naman gusto. I had no choice. You know naman..” natawa ako.



“I still have 30 mins. I can stay.”  Sumeryoso naman siya.



Umiling ako. at lumingon ulit kami sa mga kasama niya. kumaway ulit ang mga ito sa kanya. Mukhang gustong gusto nila si London. “Go ahead. Malapit na rin naman kasi akong magtime.” Inirapan naman niya ako. At agad ding tumayo.



“Then text me okay. We really should go home together!” kumaway naman ako sa kanya.





Bumalik na ako sa sunod kong klase.



Sa ibang building daw kami. Kaya pahirapan na naman ako sa paghahanap. Mabuti na lang ginamit ko yung natitirang oras sa break time sa paghahanap at hindi naman ako nalate. Terror pa naman nung professor namin. Maganda na sana yung lab namin di-air con pati sosyalin kaso.. ang tapang tapang nung prof. namin. Ganon pa man, nagawa kong makipagsabayan sa iba sa ganitong klase. May kumakausap na sakin. I will love this subject na.



Bigla namang umulan.



To:”London

Dismissal na ako. Ikaw ba?



I texted him 20 mins. ago pero hindi pa rin ako nakakatanggap ng text galing sa kanya. Siguro kasi sobrang busy niya. Kaso kung aalis naman ako baka magalit siya. Bukod pa dun wala akong payong.. Paano kaya?





“Bye bye!”

“You sure you don’t want?”

“Nah. My driver will gonna pick me up.”



Napansin ko naman yung kaklase ko na si Claire. Mukhang siya rin e walang payong. Nung iniwan siya ng mga kasama niya. Sinubukan kong lumapit sa kanya.



“Hi.” Tumingin siya sakin pero mabilis lang at medyo lumayo.

Hindi niya ata ako namukhaan. Pero kani-kanina lang sa klase malimit niya akong kausapin.



“Claire—AH!” bigla na lang may tumama sakin.



“Why are you blocking our way! So stupid!”  may iba pang napalingon sakin at tumatawa. Napahawak naman ako sa braso ko na tinamaan ng kabubukas lang na payong. Masakit.



Pagtingin ko naman kay Claire, wala na siya sa tabi ko.



Maybe, I’m just assuming for something. I already know my place naman e, hindi ko lang talaga maiwasan na hindi masanay sa mga bagay na hindi ko naman talaga kinasanayan. Bakit ganito naman kasi ang mga taong ito.





Sa huli, nagdecide na rin akong umuwi. Kahit na umuulan. Kahit na wala akong payong at mabasa ako.



Ngayon lang talaga ako nahirapan makipabagay sa kapwa ko sa buong buhay ko. Parang akong tinatapak-tapakan kahit na wala naman talaga akong ginagawa sa kanila. Napapaisip tuloy ako.. kung ano ba talagang ipinunta ko sa university na’to.





“Genie—“ ramdam ko na nagbavibrate ang cellphone ko. Pero mas naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ng taong yun sa mga braso ko.



Basang basa na ako ng ulan.



Nakakunot naman ang mga noo niya.



Ramdam ko rin ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko. Na sana.. hindi niya mapansin..
HTML Comment Box is loading comments...