From:”London
Sis, let’s meet up during break time. We’ll tour this campus.
Five minutes na lang malelate na talaga ako sa una kong
klase. Hirap na hirap na talaga ako kung saan yang XXX building na yan na sa
may harap daw XX Student Lobby No. 2. Agh! Sa sobrang laki ng campus na’to,
maligaw ligaw na ako kakahanap. At parang halos lahat din hindi lang ako ay
busy rin sa unang araw ng klase nila. Ayoko namang makaabala dahil.. parang
wala ring may gustong magpaabala. Ibang iba siya sa highschool. Nakakapangiyak.
“Hayy.. nasaan na kaya ako?”
Naglibot libot ako sa buong campus. Nagbasa basa ng mga
directions. Pero sa sobrang laki nito hindi ko pa rin naabutan ang una kong
klase. Tapos nalate pa ako nung sumunod. Nakakahiya. But at the same time
nakakatuwa.
Dahil ito yung university na pinapangarap ko. Finally
talaga, estudyante na ako ng sikat na university na’to.
Nung nagbreak-time naisip ko agad na ibalita kay mama ang
tungkol sa mga nangyari.
“Ah. s-sorry!” sabi ko dun sa babaeng nakabundol ko.
Pero mukhang hindi niya ako narinig at diretso lang ito sa
paglalakad.
May mga taong napapatingin sakin. Nakangiti sila, syempre
ngumingiti na lang din ako. Weird? Pero ganito lang talaga sadya sa simula.
Pumunta naman ako sa sunod kong klase. Nakakaiba talaga ang
atmosphere. Kahit na okay naman yung mga professors. Yung mga kaklase ko. ibang
ibang talaga sila. Lahat sila nagkakasundo at parang hindi na ako makasabay.
Feeling ko na-a-out of place ako sa napakalaking lugar na’to.
Sigh.
Sinubukan kong contactkin si London pero nakalimutan ko nga palang
magpaload. Kaya at the end of the day hindi ko rin naenjoy ang araw ko. I can’t
even make friends.
Kaya dumiretso na lang ako sa bahay ni Tita pagkadismissal.
“Gumagawa ka pa rin ng mga ito?” agad kong tinanggal ang
headphone ko at lumapit sa kanya para agawin yung folder ko.
“Ano ba!” naagaw ko din naman.
Kinabahan ako bigla.
“Hah! So hanggang ngayon yun pa rin ang libangan mo?”
nakataas na kilay niyang tanong. Tumango
naman ako ng hindi tumitingin sa kanya at habang inaayos ang mga gamit ko.
Nandito kasi kami sa may salas.
“Mag-i-stay ka ba dito?” umiling siya. Parehas naman kaming
napatingin sa may pinto.
Pumasok si Tita.
“ Hindi makakauwi si Ronald ngayon.” tumingin ulit siya
sakin.
“Oh nandito na pala kayo.” Agad naman akong lumapit kay Tita
at inalalayan siya sa mga dala niyang gamit.
“Salamat hija.” Lumapit din si JK samin. “Ahh wala nga pala
si Ronald ngayon. May dala akong pagkain. Kumain na ba kayo? Oh siya aalis na
ulit ako. dinaan ko lang yung mga pagkain ninyo ngayong linggo.”
h-Hindi dito tutulog di Tita?!
“Ingat kayo! Kamustahin ninyo na lang ako sa kanila!” agad
naman akong tumalikod.
Napahawak ako sa dibdib ko. Kinakabahan ako! Kahit na..
ilang beses na din nasabi sakin ni Tita na madalas daw na mag-isa si JK dito sa
bahay. Pero iba kasi ngayon. Kami lang na dalwa. Parang..
Parang yung lang dati..
“Kamusta ang first day?” umupo siya sa harap ko.
Nagfocus naman ako sa pagkain ko, “Okay lang.” malumanay
kong sabi.
“Good for you!”
Kailan pa siya naging kadaldal sa hapagkainan?
Noon. Kahit na kailan hindi niya ako natanong kung kamusta
ba ang studies ko, araw ko, o kamusta man lang ako. Ni hindi nga kami
nagkakatinginan tuwing kumakain kami. Hindi kami close. Pero sapat na para maging
comfortable kami este siya sakin.
Sa huli hindi rin kami nagkameron ng matinong topic.
Nag-uusap lang kami kapag kailan. Nagkukwentuhan pero hindi ganon katagal.
Hanggang sa natapos kaming kumain, siya ang naglinis ng pinagkainan namin at
ako ang naghugas.
Nanonood siya ng tv habang nandito kami sa salas. Walang
imikan. Naglalaptop rin kasi ako at nakaheadphone pa kaya siguro hindi rin siya
makapagsalita.
“JK.” Inalis ko yung
headphone ko. Lumapit ako sa kanya at tuluyan na nga talaga siyang nakatulog.
Anong gagawin ko?
Sinubukan ko siyang gisingin. Nung biglang gumalaw yung ulo
niya—THUMP!
‘May ipakikilala ako
sayo.’ May isang familiar na binatang lalaki ang pumasok sa restaurant.
Lumapit siya samin.
Nadurog yung puso ko.
Sumikip yung dibdib ko nung makitang nakikipagngitian ang binatang yun sa mama
ko at sa stepfather ko.
‘Ito ang anak ko
hija, si John Kennley. Simula sa araw
na’to ituring mo na rin siya na parang tunay mong Kuya. Mas matanda siya sayo
ng dalwang taon.’
Gusto kong umalis sa
kinatatayuan ko nung mga oras na yun.
Lalo na nung magtama
ang mga tingin namin. At ngumiti siya na parang yun na yung pinakanatural na
gawin para sa kanya.
Napakasakit na
ipinamumukha ng tadhana sakin na hinding hindi pwedeng maging kami.
Una, nung maging sila ng bestfriend ko. Pangalwa, naging
stepbrother ko siya. Hanggang kailan isasampal sakin ang katotohanan na’to.
Hanggang kailan ipamumukha sakin ng katotohanan na hindi ikaw JK ang lalaki
para sakin.
Nagmahal lang naman ako. At ang gusto ko lang naman ay ang
mahalin din ako.. ng taong mahal ko.
Napayuko ako.
Nahihirapan na nga ako sa bago kong school. Kung paano ako
makikibagay. Hanggang dito ba naman sa bahay kailangan ko pa rin makibagay sa
kanya? Paano ba ako aakto sa harap niya? Paano ba dapat umakto ang isang step
sister na gaya ko? Na minamahal ang stepbrother niya?
“Ha? Sabihin mo naman JK?
Ang hirap hirap naman kasi..”