1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Friday, May 17, 2013

Chapter 3




‘Kay JK naman! Kay JK!!!’


*SHOOT*


Lahat napatigil at napahiyaw!



“THREE POINTS!!!”
kahit ako.. nadala ako ng laro.



Yun ang unang pagkakataon na nakapanood ako ng sobrang intense na basketball game. First year ako noon, intrams namin. Ang alam ko lang magaling daw na player talaga yung lalaking naka-3 points. Yun nga ata ang unang pagkakataon na nakita ko yung lalaki na yun. Pero kaschool-mate ko siya. At mas matanda siya sakin ng 2 taon.


‘Gene!’ nakita ko naman si Pricilla sa may pintuan ng classroom namin. Agad akong tumakbo palapit sa kanya. Masayang masaya ako na binisita ulit ako ni Pricilla sa classroom ko.

Nakita mo na ba ulit yung crush mo. Yung ace player. Na MVP of the month?’ kinikilig ako sa bawat sabihin ni Pricilla. Pero umiling ako dahil hindi ko naman na talaga ulit nakita ang taong yun.

Wag kang mag-alala hahanapin ko siya para sayo!’ alam ko kung gaano ako kaswerte na kaibigan ko si Pricilla.

Pero hindi ko alam kung kailan yung araw na yun.. na nagsawa na lang akong kaibiganin siya.


Kayo na ni JK?’ nangingilid na luha kong sabi sa kanya.

Tinalikuran niya ako at saka sumagot sa tanong ko, ‘Hindi ko sinasadya, Gene. Inlove kami sa isa’t isa. Maging masaya ka na lang para samin diba?’ lumingon pa siya soot ang mga masasayang ngiti na yun. Habang.. yung mga luha ko nag-uunahang pumatak.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at hindi siya sinagot.

Nung mga oras na yun. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong sisihin. Nagmahal lang ako. Nagkagusto sa lalaking nagustuhan din ng bestfriend ko. Hindi ko alam kung ano bang mali sa ginawa ko. Hindi naman ako umasa pero ang sakit sakit talaga? Dahil siguro hindi ko ineexpect na magagawa sakin ni Pricilla ang lahat ng ito. Kinain niya lahat ng sinabi niya.


Pero bakit.. kailangan magkagusto rin sa kanya ni JK?


“Hija?” bigla akong nagising sa ginawang pagtapik ni mama sa braso ko.

“m-Mama?” nagtataka ako na makita siya. saka ko lang narealize.. nananaginip na naman pala ako. “l-Late na po ba ako?” humindi si mama. Nakita ko naman yung oras.

Nakahinga ako ng maluwag.


Bigla namang lumapit si mama sakin at may pinunas sa tagiliran ng mata ko. Luha?

“Malungkot ba ang panaginip mo, anak?” hindi ko alam ang isasagot ko. Nakangiti naman si mama.

Ngumiti na lang din ako.. pero hindi ko na maalala kung ano nga ba talaga ang napanaginipan ko.


Natapos akong mag-ayos ng gamit, mag-impake, at iready ang sarili ko. Pero.. nangungublema ako sa damit na isosoot ko. Wala akong presentable na damit at parang halos lahat na soot ko na. Nitry kong magdoll shoes pero parang naweirduhan naman ako. Bakit ko nga ba kailangang mag-ayos?

Una sa lahat, si JK lang naman ang makikita ko.
Pangalwa, dalwang taon na ang nakakalipas. Nakamove-on na ako sa nangyari.

At panghuli, wala akong dapat paghandaan dahil kahit na kailan.. hindi nalaman ni JK ang tungol sa nararamdaman ko.


“Ma, aalis na po ako!” malungkot akong ngumiti kay mama habang naghihintay naman sakin yung tricycle na maghahatid sakin sa terminal ng bus.

Hindi ko rin natiis si mama at sa huli niyakap ko ulit siya. Pwede naman akong umuwi sa weekends pero ewan ko ba parang nagdadalwang isip na rin ako na umalis.

“Palagi ho kayong mag-iingat at wag na wag ninyo pong pababayaan ang sarili ninyo, huh!?” sinabit ko yung buhok niya sa kanyang tainga at hinalikan siya sa kanyang mukha. 

Nagpaalam ako kay mama sa huling pagkakataon.



Nakarating naman ako sa terminal ng bus. At nakarating ng ligtas sa lugar na sadya ko. Napakalaki ng bahay ni Tita. Actually, ginawang apartment ito at may 5 kwarto sa loob. Pero sabi sakin ni Tita tatlo lang dalwa ang pinayagan niya na tumira.  So ibig sabihin tatlo lang kami na titira sa loob ng bahay  bukod kay Tita. At madalas pa daw na wala siya. parang kinakabahan tuloy ako.

Naramdaman ko naman na biglang may nagtext sakin.


From:”London

Sisterakas, musta ang travel natin?


Mas lalo tuloy akong kinabahan. Maya maya may lumabas dun sa bahay..



Si Tita!

“Oh Genevieve hija!”aga akong pinatuloy ni Tita.

Hindi ko naman napigilan na mapalingon lingon sa buong bahay. Aminado naman ako na maganda ito. Pero may hinahanap ako. At hindi ko alam kung bakit ko nga ba hinahanap ang taong yun.


“Hija, may problema ba?” nabigla ako sa tanong ni Tita. Nagtataka yung mukha niya. Hindi ko alam kung anong ie-excuse ko.

“K-kasi po—“

“Nalinis naman yung buong bahay. Pati.. sinigurado ko naman na magiging comfortable ka gaya ng sa bahay ninyo.” Nakangiting sabi ni Tita. Nakahinga naman ako ng maayos. Akala ko kasi maiinis siya sa inasta ko.

“Kaso nga lang.. walang tao ngayon. Malapit na kasi ang pasukan. Kaya ka nga nandito diba. Nasa taas ang kwarto mo. Mas maganda na yung hangga’t wala pang tao makakapag-ayos ka na ng gamit mo. Ng kwarto mo. Sige na.. mag-ayos ka na.” yumuko naman ako pagkatapik ni Tita sa balikat ko. at agad ko ring ginawa ang sinabi niya.

Kahanga hanga talaga ang buong bahay. Sa bawat pinto pa.. may mga pangalan na nakalagay. Nakita ko yung kwarto ni JK.. katapat lang ng kwarto ko. Parang.. bumalik kami noong 2 years ago. Malapit na ulit siya sakin. Okay na ito.. para mas maclear ko na rin ang lahat samin.


Sinimulan kong ayusin ang buong kwarto ko na naaayon sa taste ko. Sabi naman kasi ni Tita pwede ko daw gawin lahat ng gusto ko sa kwarto dahil binabayaran namin yun. At oo, hindi ito libre dahil magtatrabaho ako kay Tita. Pati para na rin sa mga gastusin ko. Hindi ako pwedeng umasa kay mama at sa taong tumanggap ng scholarship ko kahit na hindi ko pa siya kilala. Kailangan kong mag-ipon at magtrabaho para sa sarili ko.


Hindi ko tuloy napansing nakatulog ako at nung magising naman ako mga halos gabi na pala. Sa sobrang dami ng nagawa ko ngayong araw na’to sobra akong napagod.

Bumangon ako at bumaba ng kwarto. Medyo antok pa ako. Nakaramdam kasi ako ng uhaw kaya bababa ako. Kaso iba ang napansin ko. Sobrang dilim bukod pa dun may kaluskos ng kung ano mang bagay ang naririnig ko.. parang bigla akong nabuhayan ng dugo sa sobrang kaba. Kinuha ko tuloy yung bagay na una kong mahawakan. 

Kinakabahan sa paghihinala na baka isang magnanakaw nga iyon.

Lumingon lingon ako sa paligid ko. At hinanap ang pinanggagalingan ng tunog na yun. Hanggang sa makita ko siya sa may ref. Magnanakaw ng pagkain!


Dahan dahan akong lumapit sa magnanakaw. At nung ihahampas ko na yung lampshade sa kanya—Biglang nabuhay yung ilaw.




“WAH—“ nagulat kaming parehas sa isa’t isa.




“Anong ginagawa ninyo?” napalingon ako sa nagsalita.


Thump.. Thump.. Thump..



“jejeje-JK! Gu-gutom na k-kasi ako e..”  sabi nung lalaki sa likod ko.

“Agh! Akala ko kung ano ng tunog yung naririnig ko, ikaw lang pala!” lumapit siya sakin.



At tumingin.

Nagtama ang tingin namin ng taong.. dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Hanggang ngayon.. bakit kinakabahan pa rin ako sa harap niya.  Hanggang ngayon.. bakit ang lakas pa rin ng dating niya sakin..



Tinitigan niya ako, agad naman akong umiwas at binaba ang hawak ko.

“m-Miss, sino ka ba?” mas lalo tuloy akong kinabahan. Sana maglaho na lang ako sa kahihiyan kong ito.

“Uhh..” sasagot na sana ako dun sa nagtanong—




“Si Genevieve. Kasama na rin natin siya dito.” Ramdam ko ang mga tingin ni JK sakin. Hanggang ngayon ganon pa rin siya makatingin. Tagos. At ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Akala ko ba.. okay na.





Naramdaman ko bigla ang paghawak niya sa ulo ko, “Step sister ko siya.” tumingala ako sa kanya.


And for the nth time.. narealize ko na naman kung ano talagang kaugnayan namin sa isa’t isa.
HTML Comment Box is loading comments...