“Po?!”
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kay Mama.
“Oo,
hija maitutuloy mo na ang pag-aaral mo sa unibersidad na yun. May ibang
tumanggap ng scholarship mo.” napahawak ako sa bibig ko. Hindi pa rin
ako makapaniwala. Hindi ko maexplain yung saya na nararamdaman ko.
Ang saya saya ko na halos akuin ko na lahat ng gawaing bahay.
Isa
na lang ang problema ko. Yun ay ang tutuluyan ko habang nag-aaral ako.
Sobrang layo ng bahay namin sa university bukod pa dun.. ayoko namang
pahirapan pa si mama. Simula ng mamatay ang step father ko, kami na lang
ni mama ang nag-aasahan sa isa’t isa. Ayokong dagdagan ang hirap ni
mama lalo na ngayong college na ako.
“I’m so happy for you
Gene Girl, akala aketch waley na me ka-ranch sa pagpasok sa university
na yun! But if it’s okay for you, I can offer my condo para dun ka na
lang tumira. Whatcha think?” he winked.
Mapapahampas ako sa noo ko ng di oras, baklang bakla siya magsalita pero sa appearance at galaw lalaking lalaki siya.
“Okay na, London. Ako ng bahala sa titirahan ko. Ni-contact ko na rin naman na kasi yung mga kakilala ko.” nginitian ko siya.
Nagpatuloy
kami sa paglalakad hanggang makapunta kami sa principal’s office.
Kukunin na kasi namin yung grades namin, diploma, pati yung year book.
“Ay
shiit hindi makakapunta ngayon si Ven. May iba daw siyang plano.” Sabi
ni London pagkatanggap niya ata ng text kay Venny. Lumapit naman siya
sakin at nakitingin na rin sa mga tinitingnan ko sa year book.
“Daming
memories ng highschool days. For sure, mamimiss natin yan lahat.”
Nginitian ko naman siya sa sinabi niya. Dahil totoo naman talaga lahat
ng sinabi niya.
Hanggang ang isang picture naman ang napansin namin.
Napatigil ako sa pagbubuklat ng pages dahil sa picture na yun. Napansin din siguro ni London.
“Infairness, maganda siya dyan.” Tama si London. Ang ganda ni Pricilla dito. Ang ganda ng mga ngiti niya.
Hindi
ko alam kung bakit ako ganito kaaffected sa kaniya.. hanggang ngayon.
It’s been 2 years. Pero parang.. ang sakit sakit pa rin.
‘Gene, bilisan mo!’
‘Oo!’ sinundan ko naman si Pricilla. Nagtatago kami sa may pader habang may sinisilip siya.
‘Ang gwapo niya talaga, Gene! Wag kang mag-alala, malalaman ko rin kung ano man ang pangalan ng crush mong yan.’
Agad naman kaming tumakbo nung mapalingon samin si JK. Tawa kami ng tawa sa mga pinaggagawa namin.
‘Nandyan
na siya, Gene!’ umiling ako ng umiling sa kanya at pinipilit kong wag
magpahila sa kanya. Ayoko ng idea ni Pricilla. ‘Ito na ang pagkakataon
mo Gene, ano ka ba!?’
Pinilit kong kumapit sa poste,
nagulat naman ako nung biglang mapabitiw si Pricilla sakin. Natakot ako
na baka nasaktan siya sa ginawa niyang pagbitiw sakin.
‘Okay ka lang, miss?’ pero mas nagulat ako nung makitang nilapitan ni JK si Pricilla.
Agad
akong nagtago para hindi ako makita ni JK. Inalalayan niya si Pricilla.
Mas natakot ako nung hindi makalakad ng maayos si Pricilla, mukhang
nasaktan nga siya sa pagkakabitiw niya sakin.
‘Iihatid na
kita sainyo. Guys, una na ako!’ napahawak ako sa bibig ko nung marinig
yung sinabi ni JK. Ihahatid niya si Pricilla sa bahay nila.
Hawak pa rin ni JK si Pricilla sa mga braso niya, lumingon si Pricilla sakin.. at kinindatan ako.
Hindi ako nag-aalala kay Pricilla. Kundi natatakot ako.. na mapalapit ang taong gusto ko sa bestfriend ko.
“mmm.. ang sarap!” ngumiti naman ako kay London pagkasubo niya sakin nung pistachio niya.
“Aketch
naman! Aketch!” kumuha rin ako ng konti sa butterscotch ko at sinubo sa
kanya. Ngiting ngiti siya at halatang nasarapan. Nilasap lasap pa niya
sa bibig niya yung lasa. “mmm.. sobrang sarap sis! Isa talaga ito sa
mamimiss ko sa school na’to.”
Pinagmasdan ko yung canteen namin.
At
nakita ko ang iba’t ibang imahe ng alaala sa canteen na’to. Ang
inuupuan namin ngayon ni London. Ang mga inorder naming pagkain. Lahat
lahat..
“Gene Girl, anong mas gusto mong flavor?” may
pinakita sakin si London na dalwang can na favorite na favorite ko
talagang inumin. “Dr. Pepper or Cream Soda?”
Parehas kong favorite
yung dalwang yan. Kaso sobrang mahal kaya malimit lang ako bumili pero
madalas akong ilibre ni London kaya madalas ko ding matikman.
“Cream—“ hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil may biglang may nagflashback sa mga alaala ko sa mga drinks na yun.
‘Gene,
cream soda o dr. pepper?’ lumapit si Pricilla sa table namin ni Venny
habang hawak-hawak niya yung dalwang drinks na yun. Alam na alam ni
Pricilla na favorite ko ang dalwang yun.
Nag-eeny-meeny-miny-mo ako sa isip ko at nung pipiliin ko na yung dr. pepper—
‘Ah—JK!!’ bigla na lang sumigaw si Pricilla. Napalingon kami ni Venny sa likod namin. Si JK.
Tinawag ni Pricilla si JK. Nginingitian naman ni JK si Pricilla. Close na sila?
‘Wow. Pricilla?’ ngiting ngiti si Pricilla. Nung mapansin ko ang mga ngiting yun.. bigla namang nawala yung mga ngiti ko.
‘Ikaw JK, mas gusto mo cream soda o dr. pepper?’ agad akong umiwas ng tingin. Tinuloy ko na lang yung pagkain ng lunch ko.
‘Yung cream soda na lang. Bakit ibibigay mo ba sakin?’ narinig kong sagot ni JK.
‘Hm! Sayo na lang!’ agad akong tumayo sa table ko at umalis.
Nung
mga sandaling yun.. sobra akong nainggit. Naiinggit ako kay Pricilla.
At nagseselos.. Dahil ang bestfriend ko. Parehas kami kung paano
tumingin sa iisang lalaki. Gusto rin niya si JK.
“Mineral water na lang!” sigaw ko kay London at agad na umiwas ng tingin.
Hindi
ko alam kung bakit bigla kong naalala ang scene na yun. Sobrang tagal
na nun. Pero dahil din sa scene na yun.. hindi ko na nagustuhang uminom
ng dr. pepper o cream soda. Tuwing umiinom kasi ako nun palagi kong
naaalala ang scene na yun kaya hindi ko na naeenjoy yung taste.
Pakiramdam ko kasi.. natraydor ako kahit hindi naman talaga.
Pero siguro nga.. natraydor talaga ako.
“Ayaw
mo talaga?” nakanguso siyang sumipsip sa straw niya. Natawa ako sa
look ni London. Pero umiling pa rin ako at pinakita ko sa kanya na okay
na ako sa mineral water.
Sunod naman naming pinuntahan ang
gymnasium. Sa lahat ng meron ang school naming ito, gymnasium na ata
ang maipagmamalaki namin. Hindi lang dahil sa laki nito. Kundi sa stage.
Sa mga benches. Sa pagiging malinis at organize ng venue. Sa dami ng
events na naiganap dito. At dito rin malimit magperform yung mga
kilalang tao dito sa lugar namin.
At ito rin yung natatanging
parte ng school namin, na wala akong hinanakit na alaala. Sa totoo nga
lang, ang dami kong masasayang alaala dito sa gymnasium. Dito ginanap
ang graduation namin, ang JS Prom, at ang mga..
“Ahh
mamimiss ko ang mga modelings ko dito.” Tinuloy na ni London yung
sasabihin ko. Totoo naman kasi, parang teritoryo na rin ito ni London.
Dahil dito siya malimit magrepresent sa iba’t ibang event ng school
namin.
“Gene! Tingnan mo!!” agad naman akong lumingon sa kanya at lumapit na rin.
Tiningnan
ko yung tinitingnan niya. Yung pangalan namin na dalwa. Gene love
Lindon. Natawa ako sa thought. Dito rin kasi naganap yung big confession
niya sakin na nagpagulo sa buong 3rd year. Sobrang popular kasi ni
Lindon sa buong campus.
‘Bading ako dahil ayoko sa mga
babae! Pero..’ nagtama ang mga mata namin ni Lindon habang nasa stage
siya at sinasagot yung tanong sa Q&A portion. ‘..kung
magkakagirlfriend man ako. Gusto ko si Genevieve Brioso ang maging
girlfriend ko.’
Ahh sobrang kahihiyan talaga
ang inabot ko nung event na yun. Lahat ng mga fans at nagkakagusto kay
Lindon napalingon sakin at tiningnan ako ng masama. Ang dami ring rumors
na kumalat nun at muntik pa akong mabully.
“Ayy ibang klase talaga ang highschool memories. Nakakakilabot alalahanin yung tanong na yun nung Q&A portion na ‘Bakit ayaw mong magkagirlfriend?’ Ayy kalurkey!” tawa kami ng tawa.
“Meron
akong pentel pen dito, okay lang?” tumango tango ako. Sinulatan niya
ulit yung mga pangalan namin, pinatungan lang niya ng tinta para mas
mabasa at nilagyan din niya ng forever.
Nagkangitian
kami. Take note magkaibigan lang talaga kami ni London, huh. Walang
malisya. Pati.. alam niya rin ang tungkol kay JK at Pricilla.
Kinuha ko naman yung phone ko na bigla na lang nagvibrate. At binasa ko yung message.
“May nagreply na?” lumapit siya sakin. Lumingon naman ako sa kanya at tangong-tango ako sa sobrang saya.
“Meron na akong matutuluyan, Lindon!”
“Really!” naghawak kamay kami at nagtatalon ako. Tinuloy ko ang pagbabasa dun sa message.
“Saan naman daw?”
At nung mabasa ko yung address.. bigla akong may naalala.
‘Tita.. naisip ko po na magdorm na lang.
It’s been 2 years. At ngayon.. mukhang wala na akong kawala kundi harapin ang taong yun.