1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Sunday, April 21, 2013

Chapter 1

"HAPPY GRADUATION DAY!!!" lahat naman kami ay nagpose pagkaclik ng camera.





Finally graduation na namin. Though ito na yung last day namin dito sa school at maging isang highschool student. Ito na rin ang last na masosoot namin ang uniform na'to. Sigurado mamimiss ko ang lahat ng ito.



"Ah-uhmm Gene, papirma naman oh." nasa kalagitnaan kami ng pagdodrawing ng mga kaibigan ko saming mga uniform. Nung mang-istorbo si Harris.



Inabot naman niya sakin ang pentel pen niya. Kinuha ko ito.. at nag--



"I will always love you?" ngiting ngiti niya akong tinanguhan.



Mabilis namang nakatayo sila Venny, at Lindon-slash-London.



"Ano akala mo mauuto mo si Genevieve. Isupalpal ko kaya sayo ang pentel pen mo!" dinuro pa ni London yung pentel pen na inabot ni Harris sakin.



Napakamot pa ito ng ulo, "Heto namang mga ito.. walang pakisama. Last day na tayong magkakasama. Pagbigyan niyo na lang ako."



"Eh kung pagbigyan ko yang pagmumukha mo." nagtawanan naman sila Vic at Rex na nasa likod niya. Nilingon niya ang mga ito panandalian at tiningnan ng masama.

At agad ding lumingon sakin at nagmakaawa ng tingin.



"Ano, Gene, anong gusto mong gawin namin dito sa gunggong na'to!" dinuro duro ulit ni London yung pentel pen kay Harris. Nagpanggap na takot si Harris habang pinandidilatan niya si London.



Pati sila Vic at Rex to the rescue.



"Hoy hoy hoy! Umayos kayo kung ayaw niyong maglanding itong sapatos kong 3 inches ang takong sa pagmumukha ninyo." umakma naman si Venny na huhubarin ang soot niyang sapatos.



Hindi ko talaga mapigilan ang tawa pagkasama ang mga ito.



Tumayo ako at kinuha kay London ang pentel pen. Nagulat silang lahat nung lumapit ako kay Harris at nilagay ko mismo ng buo ang pangalan ko sa ilalim ng 5 salitang yun.



"Last na ito Harris a." napansin ko ang naluluwang mata nila Venny at London pagkasilip nila sa ginawa ko.





"Waaah Aym so beli happy~" umakma naman si Harris na yayakapin ako. Pero naunahan na siya nila London at Venny.



"Ahhh we'll miss you Harris." ganon din sila Vic at Rex. Nagyakapan sila na siyang kinagulat ko.



"Oh siya tama na! Nakakarumi na kayo!" mapipilantik na kamay na nilayo ni London sila Vic at Rex.



Umarte naman si Harris na animo'y nandidiri talaga siya sa yakapang nangyari. Habang binebelatan niya si London.



"Bakla!"

"Che!"

"I miss you, Ven!"

"Mukha mo!"

"I love you, Gene!"

"YUCK!!!"





Tawa naman ako ng tawa habang papalabas kami ng campus. Kwento kasi ng kwento itong si London tungkol kay Harris. Kung gaano ito kasuklam sa tao. At kay Venny na diring diri rin kay Vic na palaging nang-aasar sa kanya.

Magkakaibigan kami nila Lindon at Venny simula nung first year highschool. Lalaki-slash-bading si Lindon-slash-London. Obvious naman. At amazona naman itong si Venny. kung gaano kami katagal na magkakakilala, ganon din namin katagal na nakasama ang tatlong ulupong kanina na sila Harris, Vic, at Rex. Si Harris.. matagal na siyang nanliligaw sakin. mga 3 taon na rin. Kaso kailanman hindi ako nagkaroon ng kahit na anong affection sa tao.



"Hayy naku napakabobo talaga niyang si Harris! Nakuu.. sigurado mamimiss ko mga katangahan niyan pagnagcollege na tayo!!"
"Hindi ko nga akalain na makakapasa pala yung tatlong gunggong na yun."
"Ika nga, birds with the same feathers flock together."


Napatigil kami sa paglalakad at nagkatinginan sa isa't isa.

Nanguna naman si London sa pagyakap samin na dalwa ni Venny.

"Mamimiss ko kayo girls, este ikaw lang pala bruha-Venita!" nasa iisang university parin kasi kami  ni London, at ito namang si Venny ay sa ibang university. Nandun kasi ang course na gusto ng mga magulang niya.


"Kayo din!" pakiramdam ko kahit na anong oras pwedeng pumatak ang mga nagigilid na luha ko.


Napatitig na naman ako sa uniporme ko, ang daming alaalang nakaguhit dito. Mga handwritten ng mga kaklase ko at lalo na ng mga mahahalagang tao na naging parte ng highschool life ko.
Nasa pangalwang yugto na ako ng buhay ko. At madami pa akong gustong mangyari sa buhay ko.. gaya ng isang simpleng babae. Gusto ko ring maranasan ang mga bagay na hindi ko nagawa nung highschool pa lang ako. Tulad ng mga kapwa ko babae.. GUSTO KO NA RING MAINLOVE.

"Hija.."
"Ma?" agad naman akong lumabas ng kwarto.


Pagkatapos ng usapan namin ni mama, nakatanggap ako ng text kay Lindon. Pero hindi ko ito magawang replayan. Parang lumulutang ang utak ko sa tuwing naiisip ko ang mga katagang sinabi sakin ng mama ko. Nahihiya tuloy ako para kay Lindon. Kanina lang sabik na sabik ako sa ideyang magkacollege na ako. Mismo sa isang prestihiyosong unibersidad. Pero hindi pala talaga ganon kadali ang buhay.

*New message/s from London_ganda*

'Sisterakas, anong time tayo bukas?'

Hindi ko mapigilan na mapakunot ang mga noo ko.


Pero hindi naman masama kung susubukan ko pa rin..


"Mother fletcher, Genevieve! I thought you're not gonna make it!" ngumiti ako ng matipid kay London. Sapat na para hindi mahalata na may problema akong kinikimkim.

"Let's go." nanguna naman siyang maglakad.

Napansin ko ang outfit ni London. As usual hindi mo maiisip na may tinatago siya sa pagkatao niya, well since he don't mean to hide this to everyone. I mean the 'gay-thingy'. Hindi siya cross dresser gaya ng ibang mga bakla dyan na nakikita niyo na halos makita na ang kaluluwa nila at daig pa ang mga babae kung magsoot ng mga sexy'ng damit. Ang totoo kasi niyan, good looking ang bestfriend kong ito. Panlaban nga lagi namin siya sa mga 'Mr.'. At sabi niya sakin ngayong college na kami, gusto niya daw na magmodel.
Naalala ko pa nung unang beses niyang inamin samin ni Venny na.. 'Sis, I'm sorry but I'm a gay.' at ginamit niyang kataga sa tuwing may nagkakacrush sa kanya. Natatawa tuloy ako. Sino ba kasi talagang makakaisip na bakla ang isang gaya niya na daig pang pumorma ang mga makikisig na tunay na lalaki sa campus namin noon. Sigurado, mamimiss korin si London gaya ni Venny.

"Mother fletcher! The heck you're doing here, loggerhead?" nabigla din ako ng makita ang presensya ni Harris sa daan namin.

"Mother fucker ka din! TSS!--" bigla siyang lumapit sakin.
Nakita ko pa kung paano magroll ng eyes si London habang nakacrossed arms siya at nakapout lips.

"Gene! Dito ka nga ba talaga mag-aaral?! Alam mo.. sinigurado ko talaga na ipasa yung exam para makasama ka sa iisang school, ulit!" ang bilis ng kamay niya at nasunggab agad niya ang dalwa kong kamay.

Mabilis din namang nakalapit si London samin at sabay na hinampas ang mahihigpit na hawak ni Harris sa kamay ko.

"Get your filthy hands off my Gene! Eww Eww!" binitawan naman ni Harris ang kamay ko.

"Eww Eww!" ginaya pa ni Harris si London in a gayish way.

Tinaasan lang siya ni London ng isang kilay, "You stalker!"

"At least hindi ikaw ang iniistalk ko. Bakla." binaleng naman niya ulit ang tingin sakin. at ngumiti ng matamis. "Gene ko, tara tingnan na natin ang resulta ng exam." inoffer pa niya yung kamay niya pero syempre tumanggi ako. binigyan ko siya ng nandidiring tingin pero balewala pa rin sa kanya. Napakainsensitive talaga ni Harris. O talagang.. manhid siya.

Sabay sabay nga kaming pumunta nila London sa result board na nasa student's park daw. At pansin namin ang dagsaan ng iba't ibang sosyalin na mga tao.
Hindi ko tuloy napigilang maconscious sa soot ko. Nakaplain peach blouse lang ako at jeans. Na nakaconverse. Napakasimple. Habang ang mga babaeng nakikita ko soot ang mga 5 inches heels nila.

"Okay lang yan, para sakin ikaw ang pinakamaganda sa kanila Gene ko."

Napansin ko rin ang soot ni Harris. Ang porma din pala niya. Dancer kasi. Pinaghandaan ba ng dalwang ito ang pagpunta sa university na ito. Sa bagay, prestigious school ito. Pero.. kahit alam ko naman iyon. Wala naman akong ganitong kagaganda na mga outfit. I'm referring to those people and also to these good looking men in front of me.

Nagwalang malisya na lang ako. At pumunta na lang kami sa result board. Di gaya sa school namin noon, dito napakaformal at organize nung mga tao. Hindi sila nagkakagulo at napakapatient nila. Ibang iba talaga.

"There you go, both of us are now an official student of this university, Gene." nakita ko naman ang pangalan ko. Tama nga si London.

Kaso.. nalulungkot pa rin ako.

"Look at that moron, what is he still doing?" lumingon ako kay Harris. Nagtaka ako sa reaction nitong parang natanggalan ng kaluluwa sa pagkatao niya. Nilapitan nga namin.

"Oh.. so.. hindi mo nakita ang pangalan mo sa result board? That only means na hindi ka napasa, men!" tinapik naman ni London ang balikat nito at agad na nagreact si Harris. Animo'y babaliin niya ang kamay ni London.
Mabuti na lang agad niya akong napansin.

"My god~ He's really a freak!"

"Ah-uhmm.. gagawa ako ng paraan! Makikiusap ako sa principal ng school na ito! Para lang makapag-aral dito at makasama ka, Gene ko!" parang naluluha na si Harris. Pero nakakatawa pa rin ang mukha.

"Principal? DUUH~"


Sinubukan pa rin namin ni London na i-comfort ang kasaklapang dinadanas ni Harris. Medyo nacurious nga ako e kung ano bang course ang kukunin niya kung sakali mang makapasa siya. kasi naman nung highschool puro pagpapacute at pagsasayaw lang ang ginagawa niya bukod pa sa mga kalokohan nila ni Vic at Rex. Bukod sa talent niya kung saan siya magalin, sa academics naman bagsak na bagsak siya. Imposible din na magculinary siya dahil sobrang bagsak nga siya noon sa H.E. class namin. In other words, Harris is an unintelligent person.

Sa huli nagdecide na lang si Harris na umuwi na muna. Ramdam ko rin ang kahihiyan na nararamdaman niya sa tuwing nagtatama ang mga tingin namin. Kahit na in the first place, wala naman akong pakealam kung ganon siya. Para sakin si Harris ay isang kaibigan din kahit na isa siyang manliligaw na hinding hindi ko masusuklian ng kahit na anong espesyal na pagtingin.

"This is so nakakasakit sa ulo na araw. Lalo na dahil sa Harris na ulupong na yun."
"Tama na, London please," binelatan lang niya ako.
"Well, I'm still excited na magkasama pa rin tayo sa iisang school. And such a prestigious school. I told you, you can make it. Bukod dun, you're a scholar." tinitigan ko lang si London.

Nagtaka naman siya nung mapawi ang mga ngiti sa labi ko.

He looked at me like 'what;s the problem, sis'


"I can't make it, Lindon. I was told by mom that we can't afford to study here.



Yung scholarship.. it was denied."


HTML Comment Box is loading comments...